Jason Abalos awang-awa sa lolang may sakit: Nasa huli pala talaga ang pagsisisi! | Bandera

Jason Abalos awang-awa sa lolang may sakit: Nasa huli pala talaga ang pagsisisi!

Jun Nardo - May 08, 2018 - 12:30 AM


NAGPAABOT ng mensahe ng panalangin sina Lovi Poe at Rhian Ramos kay Jason Abalos dahil sa kalagayan ngayon ng lola ng aktor.

Sa post ni Jason sa Instagram nitong mga nakaraang mga araw, nasa ICU ang lola niya dahil sa dugong namumuo sa ulo. Baka raw hindi na kayanin ni lola ang operasyon dahil sa edad nitong 93 years old.

Bumalik sa aktor ang alala nila ng lola niya nu’ng panahong wala pa siya sa showbiz gaya ng pag-uutos nito sa kanya ng tumaya sa jueteng at huwag ipaalam sa lolo niya. Gusto niyang inuutusan siya ng lola sa tindahan dahil ibinibigay na sa kanya ang sukli.

Bihirang madalaw ni Jason ang lola dahil dumadaan ang siya sa lola pag umuuwi ng Pantabangan at dumaaan uli kapag pabalik na ng Maynila.

“Totoo pala na nasa huli ang pagsisisi na pag wala ka ng pagkakataon tsaka mo sasabihin, ‘sana’ o kaya ‘dapat…,’” bahagi ng post ng leading man ni Rhian sa Kapuso primetime series na The One That Got Away.

Dagdag pa ni Jason, nakita niyang lumuluha ang lola habang kinakausap niya ito, “Sana nasabi ko na yung mga sinabi ko noong alam kong kaya pa niyang sumagot at sana nayakap ko siya nong panahon na puwede niya pa ako yakapin.

“Narinig niyo na to at narinig ko na din, wag niyo na lang hintayin na pagsisihan niyo gaya ng nangyayari sa akin ngayon na wala na ako magawa pag iniisip ko na “gusto ko makasama siya,” bahagi pa ng post ni Jason.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending