Aktor isinusuka ng mga katrabaho, ayaw nang gawing bida sa teleserye
TILA nakarma ang career ng isang aktor dahil sa kakaibang ugali nito. Inirereklamo kasi siya ngayon ng TV at movie producers at ayaw na raw nila itong makatrabaho.
Ayon sa nakausap naming TV executive ay pahinga muna si aktor sa business unit nila dahil gusto nila ng mga bagong mukha sa kanilang mga susunod na proyekto.
“As of now kasi wala akong puwedeng ibigay sa kanya (pasaway na aktor) kasi hindi bagay. Or should I say rest muna siya. Nahirapan kasi kami sa kanya sa huling teleseryeng ginawa namin,” pag-amin ng kausap naming bossing ng TV network.
Hirit naman ng isang movie producer, “Naku pasaway siya! Nahihirapan ang production staff sa kanya. Inirereklamo siya sa akin, hindi ko naman puwedeng i-pull out kasi isa siya sa bida. Walang kuwestiyon sa pag-arte niya, marunong naman, kaso ‘yung ugali, hindi maganda.
“Aanhin mo ang magaling na artista kung pasaway naman? Doon na lang ako sa professional at hindi masyadong magaling na eventually matututo rin. Ayoko sa may attitude, mahirap katrabaho, mamalasin ang pelikula,” sabi ng producer.
Maging ang ka-loveteam ni aktor ay ayaw na rin siyang katrabaho dahil sa ugali nito, paiba-iba raw ang mood na depende yata sa panahon.
In fairness wala namang bisyo ang aktor, hindi naninigarilyo pero umiinom kapag may okasyon, “Yung temper niya hindi niya ma-control minsan. Parang laging may kaaway. Kapag walang topak, sobrang okay, akala mo anghel sa bait,” dagdag pa ng sabi ng artistang nakatrabaho ng aktor.
As of now ay isinasama-sama muna ang aktor sa mga mall show kapag type niya dahil kung minsan ay umaangal din daw lalo na kapag masyadong malayo at hindi niya feel ang mga kasama.
May ganu’n talaga? Choosy pa siya, e, malamlam na nga ang career niya.
“I think he needs to visit a doctor kasi baka may mga problema siya na hindi niya mailabas. Lagi kasi siyang gigil, eh,” sabi ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.