Female celeb ilusyunada, kaloka ang drama sa loob ng resto
NAKAKALOKA ang mga kuwentong pinagbibidahan ng isang babaeng personalidad na ang ilusyon ay nakatutok sa kanya ang mga mata ng mundo ngayon. Sa madaling salita ay isa siyang asyumera at ilusyunada.
Sobrang init ng panahon nu’n, nakatutusta ng balat ang init ng klima, kaya natural lang na nakasando ang mas nakararami bilang pananggalang sa sobrang temperatura.
May isang babaeng maputi na pumasok sa isang restaurant, naka-shorts lang siya, pero ang kanyang suot ay isang makapal na jacket na may hoody.
Nagtaka siyempre ang mga kumakain sa resto, sa isang panahon na sobrang init, may magsusuot pa ng jacket na sakdal ang kakapalan at may pangtaklob pa sa ulo?
Kuwento ng aming source, “Papansin talaga ang girl, di ba naman? Sino ang hindi makakapansin sa kanya, e, halos matugnas na ang buong bayan sa sobrang init pero siya naman, e, naka-jacket na may hoody pa?
“Lingon nang lingon ang girl, parang nag-aalala siya na baka may makakilala sa kanya, e, busy naman ang lahat sa kakakain!
“Asyumera ang girl, ang akala niya, e, may nakakakilala sa kanya, kaya nagkukumahog pa siyang sabi sa waiter, bilisan daw ang food. Magte-take out siya, hindi siya lalafang sa resto.
“Habang nakaupo siya sa isang lugar, nagsuot pa siya ng shades na itim, malapad, ‘yung halos matatakpan na ang mukha niya. Talagang nag-aalala siya na baka may makakilala sa kanya!” simulang kuwento ng aming impormante.
Agad-agad na inabot ng babae ang pagkain, halos patakbo siyang lumabas sa resto, nu’n lang nalaman ng mga nasa restaurant kung sino siya.
“Ang sabi kasi ng waiter, ‘Si _____ ang babaeng ‘yun. Pinabilisan nga niya ang preparation ng food dahil baka raw siya pagkaguluhan.’ Naloka ang mga nandu’n! Hindi naman kasi siya nakilala dahil takip na takip nga ang mukha niya!
“Nakakaloka ang babaeng ‘yun, nadikit lang ang name niya sa isang sikat na male personality, ang akala na niya, e, sikat na sikat na rin siya!
“Di ba naman super-ilusyunada at asyumera ang babaeng ‘yun? Ano’ng akala niya sa sarili niya, superstar na siya dahil ang karelasyon nga niya ngayon, e, isang sikat na aktor?
“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pakitampal n’yo nga ang babaeng ‘yan na katunog ng ibon ang name!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.