21 patay sa 16 na insidente na konektado sa eleksiyon- PNP | Bandera

21 patay sa 16 na insidente na konektado sa eleksiyon- PNP

- May 06, 2018 - 03:51 PM

NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng 21 nasawi sa 16 na insidente na konektado sa eleksiyon bago pa man magsimula ang kampanya noong Biyernes, ayon sa tagapagsalita ng PNP.

Sinabi ni PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao na naitala ang 21 mga nasawi simula noong Abril 14.

“Since April 14 up to the present, mayroon na tayong naitalang 16 suspected election-related incidents,” sabi ni Bulalacao.

“Base sa record namin, bale 21 na ang namamatay, lima ang wounded, at isa yung unharmed,” dagdag ni Bulalacao.

Idinagdag ni Bulalacao na ang pinaka huling insidente ay naitala sa Manaoag, Pangasinan, kung saan pinatay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin kamakalawa ng gabi.

Idinagdag ni Bulalacao na 35 mga baril ang nakumpiska sa iba’t ibang checkpoint na isinagawa ng PNP.

Iginiit naman ni Bulalacao na sa pangkalahatan naging mapayapa ang unang araw ng kampanyan.

“Base sa record namin, bale 21 na ang namamatay, lima ang wounded, at isa yung unharmed,” sabi pa ni Bulalacao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending