Alalay ni Amy Perez saksi raw nang ‘pagtawanan’ ni Morisette si Sarah
NAG-REACT si Amy Perez sa isyung inirapan ng PA niya si Morisette Amon dahil nilait daw nito ang idol niyang si Sarah Geronimo.
“Si Morisette Amon tita. Narinig ng PA ni Amy Perez ang usapan nila sa dressing room ng UKG.
Pinagtawanan si Sarah. Sabi ni Amon concert daw nang concert si Sarah di naman kaya. Hinihingal na at ang pangit ng boses. Eh Sarah fan yung PA ni Tyang Amy. Inirapan nga daw niya si Amon,” said one fan.
Agad-agad namang nagpaliwanag si Amy who said, “Can I just clear something I don’t have any PA/YAYA or kahit Driver wala! I always go to work alone.”
“Again and Again not true! Walang nangyaring ganyan sa set ng @ukgdos at wala din akong PA! I’m praying na sana matigil na ang hate messages. Spread love and kindness to all.”
“Whoever came up with that story I want to talk to you personally para magabayan kita. (busy akong nagluluto ng sinigang na baboy dinadamay nyo ako sa kalokohan nyo!).”
‘Yan ang magkasunod na aria ni Amy sa social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.