'Grabe! Titig pa lang ni JM de Guzman ulam na!' | Bandera

‘Grabe! Titig pa lang ni JM de Guzman ulam na!’

Cristy Fermin - May 05, 2018 - 12:05 AM


MAY  bagong iniibig ang mga kaibigan naming becki. Anuman ang ginagawa nila ngayon ay kailangan nilang magpahinga para lang matutukan nila ang seryeng Araw Gabi dahil sa bumibidang aktor na si JM de Guzman.

Pinakaunang tumitili kapag nasa screen na si JM ang kaibigan naming florist-designer na si Sonia, talagang kilig na kilig ito kapag napapanood na si JM, parang gusto nitong bigyan ng pamasahe pauwi ang young actress na si Barbie Imperial sa maiinit nilang eksena.

“Napakaguwapo niya! Para siyang pinabatang John Estrada! Pero hayup siyang umarte, sa totoo lang, ang galing-galing niya! Ang mga mata niya, e, punumpuno ng mystery!” papuri pa ni Kumareng Sonia sa guwapo at magaling na aktor.

Nu’n pa man kasi ay marami nang humahanga sa talento ni JM de Guzman, kaya nang maging marupok siya sa kaway ng bisyo ay todo ang panghihinayang sa kanya ng ating mga kababayan, mabuti na lang at siya na mismo ang nagsikap na magbago.

“Naku, wala akong pakialam sa nakaraan niya, wala akong keber kung anuman ang nangyari sa kanya, ang mahalaga, e, hindi nangalawang ang talent niya!

“At napakaguwapo pa rin niya! Tingin pa lang ni JM, e, ulam na! Hindi ko pinalalampas ang Araw Gabi, mula nu’ng mag-umpisa hanggang ngayon, tinututukan ko ‘yun dahil kay JM de Guzman!” pasigaw pang papuri ng aming kaibigan.

May masasabi pa ba kami?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending