“Oplan Tokhang” vs motoristang naka ‘wang-wang’ inilunsad
INILUNSAD ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang “Oplan Tokhang” laban sa mga motoristang gumagamit ng “wang-wang” sa kanilang nga sasakyan.
Sinabi ni HPG Director Chief Supt. Arnel Escobal na agad na huhulin ang mga driver na gumagamit ng wang-wang.
“The public may also call the HPG’s hotline 7444-474 to report sightings of vehicles using flashers and sirens,” sabi ni Escobal.
“Or if not, aabangan namin sila sa labas, at paglabas (nila) we will apprehend,” sabi ni Escobal.
Noong Marso, libo-libong mga illegal devices ang sinira ng HPG bilang bahagi ng Oplan Disiplinadong Driver.
“Better na tanggalin na nila so they would not be inconvenienced anymore,” ayon pa kay Escobal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.