Boundary system salot sa public transport | Bandera

Boundary system salot sa public transport

Ira Panganiban - May 04, 2018 - 12:10 AM

SINIMULAN ng mga taxi at bus operators ang boundary system noong dekada 70 para bigay ng mas malaking kita ang kanilang mga driver.

Noong panahon na iyon, ang suweldo ng driver ay nasa P150 lang kada buwan at ang boundary ang siyang nagbibigay ng mas malaking sahod sa kanila. Noon ay mas malaki ang kinikita ng driver kaysa sa kanilang boundary.

Sa mga nagdaang taon, hindi na naging patas ang pagtaas ng boundary at suweldo.

Ang naging sistema ng mga pumalit na operator ay mas malaki ang boundary na sinisingil nila kaysa sa kinikita ng driver.

Ngayon, ‘yan na ang naging pamantayan ng mga bus, jeepney at taxi operators, ang maningil ng boundary na sobrang laki, kaya barya-barya na lamang ang natitira sa kanilang mga driver.

Sa taxi ay nasa P1,200 ang regular na boundary habang sa jeepney ay nasa P800 at sa bus ay P5,000. Ito ay para sa pagtakbo ng mga sasakyan sa loob ng 24 oras sa lansangan ng Metro Manila.

Ang resulta nito ay nasa P300-P500 na lamang ang natitira sa mga driver para sa isang buong araw at gabing pagmamaneho. Isama mo pa ang gastos nila sa pagkain buong araw at iba pang pangangailanga, sa malamang mga P150 na lang ang maiuuwi nila sa kanilang mga pamilya.

Ito ang dahilan kung bakit parang nagpapakamatay ang mga driver ng public transportation kung makapagmaneho sila. Andiyan na nag-aagawan ng pasahero, naggi-girian sa puwesto sa lansangan, kinakarera ang ibang kakompetensiya para mas malaki ang kita.

Matagal nang ipinanunukala na basic salary na ang ibigay sa mga public transport drivers. Katunayan ay may batas na ukol dito para sa mga bus drivers. Pero hindi ito sinusunod ng mga operators at ang claim nila ay mga driver daw nila ang may gusto nito.

Pero ang totoo, mas gusto ng mga driver na suwelduhan na sila dahil sigurado ang kita sa isang buwan at hindi yung walang kasiguruhang kita araw-araw dahil sa pagbabago ng sakay ng pasahero.

Malaki kasi ang mawawala sa mga operator kung hindi na boundary system dahil hindi na nagmamadali ang mga driver. Mas kalmado na rin ang pagmamaneho nila at hindi na nila kailangan “makipagpatayan” para sa pasahero.

Kung sasabayan ng tamang fleet dispatch system ang suwelduhan na sistema ng mga public utility drivers, mas gagaan ang trapiko sa EDSA dahil hindi na winawalis ng mga bus, jeep at taxi ang mga lansangan para makakuha lang ng mga pasahero.

Sa totoo lang, yang boundary system na yan ang dahilan kaya nalalagay sa balad ng alanganin ang mga driver, pasahero at iba pang mga motorista sa ating lansangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending