Mga pasahero ng TNC maaari nang magbigay ng grado gamit ang mobile app | Bandera

Mga pasahero ng TNC maaari nang magbigay ng grado gamit ang mobile app

- May 03, 2018 - 05:15 PM

SINABI ng Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) na maaari bigyan ng grado ng mga pasahero ang mga driver sa pamamagitan ng mobile apps ng mga bagong Transport Network Companies (TNCs).

Idinagdag ni  LTFRB Board Member Aileen Lizada na layunin nito na matulungan ang mga operator na matukoy ang mga abusadong driver.

“At least now, kung mayrooong mga pasaway na taxi drivers, pwede na yung mga taxi operators mag-blacklist ng mga taxi drivers, na hindi na nila iha-hire kung mababa ang rating otherwise apektado yung kanilang business,” sabi ni Lizada.

“Actually, ‘yon ang hinaing ng mga taxi operators kasi kung discourteous ang driver, ang tinatamaan po ng penalty ay ang operators,” dagdag ni Lizada.

Bukod sa transport giant na Grab, kabilang sa mga bagong TNC ay ang Hirna, Hype at Micab kung saan gagamitin nito ang mga taxi na may franchize ang gagamitin.

Idinagdag ni Lizada na gagamit ang Hirna at Micab ng mga taxi, samantalang mga pribadong sasakyan naman ang gagamitin ng Hype.

Samantala, gagamit naman ang ibang TNC, kagaya ng Owto at GoLag ng pribadong mga sasakyan.

“What government must ensure ay dalawa po: direct competition among TNCs and consumer protection. It’s good to have competition, meron po silang (riders) mga choices kung saan ang kaya ng budget nila,” ayon pa kay Lizada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending