Maghihirap ba kayo pag may lalaki at baklang naging magdyowa?- Vice | Bandera

Maghihirap ba kayo pag may lalaki at baklang naging magdyowa?- Vice

Ervin Santiago - May 03, 2018 - 12:10 AM

VICE GANDA

NAKIUSAP si Vice Ganda sa mga taong kontra sa same sex relationship na magkaroon ng malawak na pang-unawa tungkol sa ganitong uri ng pagmamahalan.

Ang hugot na ito ng TV host-comedian ay nagsimula nang interbyuhin nila ang isang babaeng contestant sa Tawag Ng Tanghalan na may karelasyong tibo.

Ayon kay Vice, “Marami na namang mga tao na magri-react na, ‘Yuck, naku tomboy, babae.’ Kamakailan lang kasi, meron akong nakaharutan sa Twitter, na kaibigan ko naman. Na hindi nila alam na sinasadya naming magharutan para lang maiba ang vibes sa Twitter.

“Kasi lately, may mga nag-aaway sa social media. Sabi namin, ‘Ang nega-nega sa social media, halika magharutan tayo sa Twitter, pampasaya lang, pampakilig, pampa-laugh trip.’

“So, nagharutan kami. Lalaki yung kaharutan ko sa Twitter. Nagpapalitan kami ng mga hugot lines,” sabi pa ni Vice na ang tinutukoy ay ang volleyball player from UST na si Manuel Andrei Medina.

Pagpapatuloy ni Vice, “Tapos yung mga reaction ng mga tao, ‘Yuck, bakla.’ At yung lalaki, ‘Naku, manggagamit ‘yan, peperahan lang.’ Sabi ko, ‘Ba’t ganu’n ang utak ng mga tao? Hindi ba talaga puwede yung babae, tomboy, lalaki, bakla?’

“At saka at saan nanggaling yung hate ninyo? Ang tanong, kapag may ganitong relasyon, nakakaapekto ba sila sa pamilya ninyo? Nakakaapekto ba sila sa buhay ninyo?

“Naghihirap ba kayo kapag may lalaki at baklang naging mag-dyowa? O babae at lalaking nagmamahalan, di ba? Nakakaapekto ba ito sa mga buhay ninyo? Di ba, hindi naman? Saan nanggagaling ang hate?”

“Why don’t we just allow everyone to be happy? Kaya nga minsan, ang sama-sama ng loob ko, pinapa-happy ko naman kayo, a.

“Sana, everyone deserves to be happy, and that includes me. Kaya sana, pag happy ako, hayaan niyo naman ako din. Hayaan niyo naman ako, please. Hayaan niyo naman kami kasi hindi naman namin kayo inaapektuhan in a very negative way,” pahayag pa ni Vice Ganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending