2 grupo ng swimming sa Pinas nagkasundo na
NATULDUKAN na matapos ang mahabang panahon ang hindi pagkakaunawaan ng Philippine Swimming Incorporated (PSI), ang national sports association ng swimming sa bansa at ng premyadong organisasyon na Philippine Swimming League (PSL).
Nagkasundo sina PSI president Ral Rosario at PSL president Susan Papa na plantsahin na ang naging gusot at magkaisa na tungo sa inaasam na pag-unlad ng Philippine swimming lalo na sa international scene sa ginanap na unification ng dalawang panig kahapon sa Behrouz Persian Cuisine sa Quezon City.
“The issue with PSL has been long standing issue with PSI. It’s time to bring it to an end for the benefit of the swimmers, for the beneift of the swimming community,” sabi ni Rosario.
Nilinaw ni Rosario na imbes na makulayan ng kontrobersya ang kanyang NSA dahil sa matagal nang sigalot sa PSI, mas pagtutuunan niya ng pansin ang pagsasaayos ng mga nararapat na hakbang para sa hangad na paghakot ng medalya at pagbibigay oportunidad sa mga karapat-dapat na manlalangoy na bitbitin ang bandila ng bansa sa world stage.
“Instead of working on the controversy, work on something ahead, moving forward, unification, changing things to make sure everybody is represented and those who will represent the country are given the chance,” ani Rosario
Naniniwala naman si Papa na ang pakikianib ng PSL sa PSI ay simula na ng muling pagkabuhay ng sport lalo’t kulelat ang pambansang koponan sa mga kumpetisyon sa ibayong dagat tulad na lamang ng Asian Games.
“We really appreciate the unification. I really believe that Ral Rosario now leading the swimming in the country will lead us now the in the winning stage again,” sabi ni Papa.
“We are here to protect swimming. Kasi right now tlagang wala eh it’s sinking. We want change and change is coming,” dagdag pa ni Papa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.