Mag-ina sa showbiz dadalhin hanggang kamatayan ang galit sa isa’t isa
NAPAGOD na ang mga nagtutulay sa isang mag-inang matagal nang hindi nagkakaintindihan. Ang huling nagtangka ay isang beteranang aktres na kaibigan ng mas nakatatandang aktres.
Ayon sa aming source ay gumawa ng paraan ang veteran actress para magkita ang mag-ina, pero wala ring nangyari, dahil natunugan ng anak na magkikita silang mag-ina.
Kuwento ng aming source, “Ano na kaya ang mangyayari sa mag-inang ‘yun? Hanggang sa kamatayan kaya, e, dadalhin nila ang matinding galit sa isa’t isa? Napakarami nang nagtangkang pagkasunduin sila, pero wala pa ring nangyari!
“Tumibay na pala ang loob ng anak dahil minsan na niyang tinangkang makipaglapit sa mommy niya, pero wala pang ilang araw, e, pinagsalitaan na siya ng kung anu-ano!
“Hindi raw alam ni dotir kung bakit biglang nagalit ang mommy niya, wala naman kasi siyang alam na nagawang mali, kaya windang na windang ang girl!
“So, kapag may kumakausap sa kanya na makipagkasundo na sa mommy niya, e, isa lang ang sinasabi niya. Mahirap makipag-ayos sa isang taong walang direction ang mga ginagawa at sinasabi.
“Hindi bale na lang daw, tutal naman, nasanay na silang magkakapatid na mamuhay nang wala ang kanilang nanay,” sabi ng impormante.
Ang ikinasasama ng loob ng anak ay kung bakit kung anu-ano ang mga pinagsasasabi ng kanyang ina sa kanilang mga kaibigan samantalang wala nga itong ginagawang anumang paraan para sila magkasundo-sundo.
“Puwedeng gusto na nga ng mommy nila na magkaayos sila, pero may isang taong kumokontra, ‘yun ang taong tagabulong ang role sa kanya. Parang mas pinaniniwalaan pa ng mommy nila ang taong ‘yun, kaya paano nga sila magkakaayos?
“Hanggang kasama pa rin ni _____ (pangalan ng aktres) ang karelasyon niya, e, walang mangyayari sa pamilya niya. Ano nga kaya ang ipinakain ng lalaking ‘yun sa kanya?
“Alam n’yo ba kung ano, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio? Try n’yo ngang hulaan kung ano?” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.