Du30 pinayagan ang pag-aangkat ng kahit gaano karaming bigas | Bandera

Du30 pinayagan ang pag-aangkat ng kahit gaano karaming bigas

- April 29, 2018 - 04:16 PM

PINAYAGAN ni Pangulong Duterte ang pag-aangkat ng kahit gaano karaming bigas sa bansa.

“Rice, para wala ng gulo. It’s anybody who has the money can import. My job is to fill our warehouse and inventory. Kaya ko nagalit kasi ‘yung inventory natin, it’s half-full or half-empty, whichever you would want to term it. Hanggang diyan,” sabi ni Duterte sa isang press conference sa Davao City.

Ito’y matapos naman magkaroon ng problema sa suplay ng NFA rice sa bansa.

“Gusto ko, sabi ko, punuin mo ‘yan hanggang sumagad. Sabi ko kay Jason Aquino, punuin mo ‘yang bodega mo. Ang inventory ko, gusto ko full house lahat. Huwag mo na bilangin ‘yung sako, basta punuin mo lang ng — tutal in out ‘yun eh. First to come in will be out to be used,” dagdag ni Duterte.

Idinagdag ni Duterte na iimbitahan niya ang lahat ng rice traders sa Malacanang.

“I’ll call them to Malacañan. Lahat ng traders. Lahat ng gustong mag-import. Ikaw, sige, import. ‘Yung quota-quota, that’s the source of corruption. Anybody now, businessman, whether it’s a Filipino-Chinese or Filipino-Visayan whatever. They can import rice,” dagdag pa ni Duterte.

Wala pang reaksyon ang mga grupo ng magsasaka kung ano ang magiging epekto nito sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending