Du30 itinanggi may go signal na ang pagpapalabas ng narco list
ITINANGGI ni Pangulong Duterte na nagbigay na siya ng kautusan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilabas ang listahan ng mga opisyal na sangkot sa iligal na droga.
“Not yet. It is not time,” sabi ni Duterte sa isang press conference matapos dumating mula sa kanyang biyahe sa Singapore.
Nauna nang sinabi ng PDEA na nakatakda nitong ilabas sa loob ng isang linggo ang mga nasa narco list ni Duterte.
Sinabi ni PDEA chief Aaron Aquino na may basbas na ni Duterte ang pagsasapubliko ng narco list bago ang nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 14.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.