Para sa may kaarawan ngayon: Sa pag-ibig, tuloy ang daloy ng masarap na romansa. Sa pinansyal, tuloy ang dating ng magandang suwerte, at hindi na ito mauubos pa basta’t marunong kang magtipid at mag mahal sa pera. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sael-Agiel-Om.” Green at peach ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Iwasang sumama sa mga gimmick na may kaugnayan sa pagsusugal at iba pang mga bisyo, wag kang sasama sa kanila, tuturuan ka lang nilang maging bulaksak. Tandaang ang pagmamahal sa salapi at sa pamilya ay may katapat na ligaya. Mapalad ang 3, 13, 30, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Tetra-Om.” Green at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Maging palangiti upang ang suwerte ay lumapit. Mag-ingat sa mga taong nagmamagandang loob, darating ang araw, uutangan ka lang nila. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 6, 12, 26, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Orange at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Maraming nakaka-aliw na pangyayari ang darating! Hindi ito dapat pahalagahan, dahil ang lahat ng ito’y panandalian lamang. Mag-invest ng time sa mga bagay na nananatili ng mahabang panahon – love, charity at family. Mapalad ang 5, 9, 27, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Gray at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa araw na ito patuloy na magiging mabunga ang bawat pagkilos! Sa pinansyal, dagdag na salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, isang Scorpio ang aalialigid sa puso mo. Mapalad ang 2, 16, 24, 31, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Mayabeeja-Om”. Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag hayaang manlumo ang kaluluwa sanhi ng kabiguan. Malulusutan din ang mga problemang pang-pinansyal kung magtatago ka muna, habang wala pang pambayad. Sa pag-ibig, humingi ng saklolo sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 5, 18, 23, 27, 32 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Araan-Taanam-Kebanam.” Blue at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pag-ibig, magiging mapagbigay sa iyo ang isang Libra. Kaya pala, may lihim siyang pagtingin sa iyo. Sa pinansyal, wag masyadong gumastos, hayaan mong ang kasuyong Libra ang siyang laging taya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Hare-Krisna-Om.” Blue at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Pagtiyagaan ang kasuyong nagkakabilbil at lumalaki na ang tiyan. Hindi lang naman sex at ganda ang sangkap ng masarap na pagmamahalan. Kahit medyo pumapangit ang kasuyo lambingin mo pa rin siya upang bigyan ka ng pera. Mapalad ang 6, 15, 12, 21, 38 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Pink at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag intindihin ang problema lalo ka lang papangit. Ang pinakamaganda, sa darating na suweldo, i-blow-out at pasayahin ang sarili. Kumain ng palihim ng isang bagay na lusaw, malamig at matamis. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Lilac at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Noon pa malalim ang iyong lungkot! Sumali sa mga activities na panlipunan upang mawala ang iniindang problema. Sa pag-ibig, wag pilitin ang kasuyo na mag-swimming sa isang lugar na hindi niya gusto. Magkakatampuhan lang kayo! Mapalad ang 3, 13, 22, 31, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Yellow at peach ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hanggat hindi ka yumayaman, ituloy mo lang ang pagsisikap, siguradong darating ang panahong yayaman ka rin. Sa pag-ibig, sa mga huling araw na ito ng Abril may masasarap na romansang lalasapin. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29 at 39. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om- Hagiel.” Yellow at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kakambal ng panganib ang kakaibang saya. Ituloy ang binabalak na nature adventure. Sa pag-ibig, mentras delikado, lalo namang sumasarap ang romansa. Subukan ang isang mapanganib na negosyo upang kumita ng limpak-limpak na salapi. Mapalad ang 4, 8, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Ketu-Om.” Magenta at brown ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Konsentrasyon ang dapat upang magtuloy-tuloy ang suwerte. Isang relasyon lang ang kailangan. Sa pinansyal, isang uri lang ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain ang sa iyo ay magpapayaman. Mapalad ang 3, 9, 18, 33, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma.” Violet at orange ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.