Liza nilinis ang pangalan ni Ice sa isyu ng corruption | Bandera

Liza nilinis ang pangalan ni Ice sa isyu ng corruption

Julie Bonifacio - April 29, 2018 - 12:20 AM

AIZA SEGUERRA AT LIZA DINO

HUMAHANGOS sa pag-alis si FDCP chairperson Liza Diño sa grand announcement ng walong official entries na napili para sa CineFilipino Film Festival 2018.

Didiretso pa kasi siya ng airport papuntang Udine, Italy. Pero bago umalis si Liza ay naipaliwanag naman niya ang tungkol sa isyu on corruption charges sa partner niyang si Ice Seguerra. Tama ang sabi niya na ‘yung amount na ibinibintang kay Ice na P234,000 ay kaya niyang kitain sa isang gabi lang ng kanyang pagkanta.

Last time na nakausap namin si Ice, nalungkot siya dahil ang dami-dami niyang pinalagpas na gigs, concert, album, pati na ang 30th anniversary celebration sana niya sa showbiz dahil sa pagtutok niya sa National Youth Commission. Kung susumahin ang kikitain niya sa mga ‘yun, aabot din ito sa milyones.

Hindi hamak na mas malaki ang nawala kay Ice kumpara sa kinukwestyong P234,000 pondo na ginamit daw pambili ng snacks for unofficial meetings.

Sabi pa ni Liza, kilalang-kilala na niya ang asawa niyang si Ice kaya suportado niya ito 100 percent sa bawat laban ng buhay na haharapin nito. Handa rin siyang ipagtanggol ang kanyang mister sa mga taong magtatangkang ibagsak ang singer.

And speaking of CineFilipino filmfest organized by Cignal TV at Unitel Productions, Inc., special guest si Liza sa kanilang event bilang kinatawan ng FDCP na nakipagtulungan sa Unitel at Straight Shooters President and CEO na si Madonna Tarrayo, para sa CFFF by allowing the eight official entries pati na ang short films na napili na ipalabas sa Cine Lokal sa lahat ng SM Cinemas sa Metro Manila.

Ayon kay Ms. Madonna, CFFF at FDCP will be hosting workshops and other activities to assist filmmakers find their niche and widen their target audiences. Then, inihayag din ng Cignal TV executives na ipapalabas din ang mga napiling pelikula and short films sa kanilang cable network.

q q q

On the said event also nakausap namin ang Kapamilya star na si Ritz Azul na isa sa mga bida ng “Mata Tapang”, isa sa official entries sa CFFF directed by Rod Marmol. Bida rin sa movie si Edgar Allan Guzman at Arron Villaflor.

Happy si Ritz sa pagdalo niya sa CineFilipino filmfest grand announcement dahil naging reunion din niya ito with some people from TV5. As we all know, dating primetime princess sa Kapatid Network si Ritz bago lumipat sa ABS-CBN.

“Natutuwa ako kasi lahat ng tao sa TV5 nakita ko dito, so parang reunion,” ngiting sabi ni Ritz.
Gagampanan ni Ritz ang role bilang asawa ni Edgar na isa namang sundalo. May love scene daw sila ni Edgar sa “Mata Tapang” pero very light lang daw. E, baka kasi may nagbabawal na rin kay Ritz na makipag-love scene sa pelikula.

“Hindi naman bawal,” tanggi niya. “Siguro nandu’n ‘yun sa direktor din. Siya rin ‘yung nagsabi na, ‘O, ganito lang ‘yun.’ Sobrang ingat din kasi ng direktor namin. Tsaka mas tutok siya doon sa drama hindi doon sa love scene.”

Wala naman daw kasi siyang boyfriend na magbabawal sa kanya na makipag-love scene or kissing scene. Pero inamin niya na may mga umaali-aligid sa kanya.

“Hindi naman sila nakapila. Nandiyan lang. Non-showbiz. Pero malinaw sa kanya, lalo na doon sa iba, malinaw sa mga manliligaw na hindi ko priority ang pakikipagrelasyon.”

Very much willing naman daw ‘yung mga manliligaw niya na maghintay sa kanya, “At masaya naman ako na merong nagpapasaya sa kin. Pero walang commitment.”

Hindi naman maamin ni Ritz kung MU na sila ng tinutukoy niyang guy na non-showbiz. Basta ang gusto raw niya sa lalaki, willing kilalanin ang buo niyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang sa akin lang, gawin mo ang gusto mong gawin. Basta ako, eto ang focus ko ngayon. Kung kaya mo akong hintayin, hintayin mo ako,” say pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending