Alab Pilipinas, Mono Vampire agawan sa ika-2 panalo sa ABL Finals | Bandera

Alab Pilipinas, Mono Vampire agawan sa ika-2 panalo sa ABL Finals

Angelito Oredo - April 28, 2018 - 12:15 AM


MAKAKAPAGLARO na muli ng buong laro ang world import na si Justin Brownlee para sa Alab Pilipinas na pilit aagawin ang krusyal na ikalawang panalo kontra sa host na Mono Vampire sa krusyal na Game Three ng ASEAN Basketball League Finals ngayon sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand.

Asam ng Alab Pilipinas na hindi lamang makaahon sa kabiguan sa Game 2 kundi hangad nito ang krusyal na ikalawang panalo sa ganap na alas-3:30 ng hapon (alas-4:30 ng hapon sa Maynila) sa best-of-five na kampeonato upang lumapit bilang ikatlong koponan mula sa Pilipinas na masungkit ang korona ng pangrehiyong torneo.

Gayunman, nakaharang sa daan ng Alab ang nagpapakita ng katatagan na Mono Vampire ng Thailand na huling inuwi ang 103-100 panalo upang itabla ang serye sa tig-isang panalo at bitbitin ang bentahe sa kanilang lugar para sa posibleng magdetermina sa magiging kampeon na Game Three at Four.

Inihayag ni Alab coach Jimmy Alapag na makakapaglaro na muli ng buong laro ang import na si Brownlee na ininda ang injury sa kanyang hita noong Game Two na isa sa naging dahilan upang mabitawan ng koponan ang dapat sana na dalawang larong bentahe.

Kahit ang tinanghal muli na Local Most Valuable Player na si Bobby Ray Parks Jr. ay aminado na nakita nito ang problema na kinaharap ng koponan upang mabitiwan ang asam nitong ikalawang panalo noong Miyerkules ng gabi sa Sta. Rosa Sports Complex.

“We weren’t playing our style of play in the first half,” sabi ng back-to-back local MVP na si Parks na nagtala ng 21 puntos, walong rebound at apat na assist sa kabiguan ng koponan.

“We did a better job in the second half, but with a team like that, they’ll take advantage of everything that you do wrong. One turnover, one backdoor play, one missed defensive play, they’ll take advantage of it,” sabi pa ni Parks.

Ang dalawang araw na pahinga na nagpasariwa muli sa pagod na katawan ng Alab ang pilit nitong sasandigan sa krusyal na ikatlong laro sa pagdayo nito sa lugar ng Mono Vampire sa Bangkok.

“I’m definitely excited about that,” sabi ni Parks. “All we got to do is rest first and make adjustments. We need to figure out better defensive assignments and really bring it on the court. We’re deep with our bench and everybody plays a part on our team.”

Hangad naman ng Mono Vampire na matiklop ang serye sa dalawang sunod nitong tsansa sa kanilang homecourt.

“Obviously we’re thrilled and pleased to come out here and come out with a win especially after the first game,” sabi ni Mono Vampire coach Douglas Marty.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinandigan naman ng Thailand ang 7-foot-3 center na si Sam Deguara na nagtala ng double-double na 30 puntos at 20 rebound gayundin si Michael Singletary na may 26 puntos, 7 rebound, at 8 assist.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending