Trust rating ni Du30 bumaba | Bandera

Trust rating ni Du30 bumaba

Leifbilly Begas - April 27, 2018 - 02:15 PM

BUMABA ng 10 porsyento ang trust rating ni Pangulong Duterte ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa noong Marso 23-27, nakakuha si Duterte ng 65 porsyentong net trust rating (76 porsyentong napakalaki at medyo malaking tiwala, 14 porsyentong undecided at 10 porsyentong napakaliit).

Mas mababa ito sa 75 porsyento na naitala sa survey noong Disyembre (83 porsyentong malaki o medyo malaki ang tiwala, 10 porsyentong undecided at 7 porsyentong maliit).

Pinakamataas ang nakuha ni Duterte sa Mindanao kung saan nakapagtala siya ng 92 porsyentong trust rating, 5 porsyentong undecided at 2 porsyentong maliit na tiwala.

Sa Visayas siya ay nakapagtala ng 80 porsyentong trust rating, at tig-10 porsyento ang undecided at maliit na tiwala.

Sa Metro Manila ang kanyang rating ay 74 porsyentong trust rating, 14 porsyentong undecided at 12 porsyentong walang tiwala.

Sa iba pang bahagi ng Luzon ay 66 porsyentong trust rating, 21 porsyentong undecided at 13 porsyentong maliit na tiwala.

Ang pinakamataas na net rating na nakuha ni Duterte mula ng siya ay maging presidente ay 76 porsyento noong Setyembre 2016 at ang pinakamababa ay 60 porsyento noong Setyembre 2017.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus tatlong porsyento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending