Malacañang na-shock sa pagpapalayas sa PH ambassador sa Kuwait | Bandera

Malacañang na-shock sa pagpapalayas sa PH ambassador sa Kuwait

- April 26, 2018 - 06:33 PM

WALA pang hakbang ang pamahalaan ng Pilipinas kaugnay sa ginawang pagpapalayas kay Ambassador Renato Villa sa Kuwait bunsod ng ginawang pagsagip ng mga opisyal ng embahada sa mga minamaltratong Filipino domestic workers sa nasabing bansa.

Inamin din ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagulat maging si Pangulong Duterte sa ginawa ng Kuwait.

Aniya, naghihintay pa sila ng direktiba mula kay Duterte sa mga susunod na hakbang. “Wala pa pong malinaw na marching order kung anong susunod na hakbang ng ating gobyerno,” ayon sa opisyal.

Sinabi rin ni Roque na una nilang inakala na naplantsa na ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

“Akala natin naayos na ang gusot dahil si Presidente na mismo ang nakipag-usap sa Ambassador ng Kuwait. At humingi naman ng tawad pa si Secretary of Foreign Affairs Alan (Peter) Cayetano, kaya ang buong akala natin ay we can move forward doon sa ating samahan,” aniya.

“Pero ang pangyayari pong ito ay talagang nakakagulat. At ang problema po ngayon ay lahat po kami papunta ng Singapore at si Presidente po konting mahuhuli kasi mayroon pang speaking engagement sa mga mason sa Davao,” dagdag niya.

Kamakalawa ay idineklara si Villa na “persona non grata” ng Kuwait at binigyan ng isang linggo para umalis sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending