Arjo ibubuwis ang buhay para sa pamilya; awang-awa na kay Sylvia | Bandera

Arjo ibubuwis ang buhay para sa pamilya; awang-awa na kay Sylvia

Reggee Bonoan |April 27,2018
facebook
share this

Arjo ibubuwis ang buhay para sa pamilya; awang-awa na kay Sylvia

Reggee Bonoan - April 27, 2018 - 12:10 AM

ARJO ATAYDE AT SYLVIA SANCHEZ

BASE sa nakita naming mga post sa social media ay nasa isang isla ang cast ng Hanggang Saan. Ayon sa nakausap naming taga-production, dito raw kukunan ang mga huling eksena sa serye.

Tinanong namin kay Arjo Atayde kung sino ang mamamatay sa dalawang anak ni Sonya (Sylvia Sachez) – ang karakter ba niyang si Paco o si Domeng (Yves Flores)?

“Watch tita, INTENSITY LEVEL 100!” ang sagot sa amin ng aktor.

Sa kuwento kasi ng Hanggang Saan ay inutusan ni Ariel Rivera (Jacob) si Sonya na patayin ang kanyang mga anak.

Hindi naman bago ang ganitong senaryo dahil nangyayari rin ito sa tunay na buhay base sa mga ipinapalabas na crime series na Ipaglaban Mo.

Ayon kay Arjo, hindi niya alam ang gagawin kapag nangyari ito sa tunay na buhay pero ang siniguro niya sa amin ay ibubuwis niya ang kanyang buhay para sa pamilya.

Kaya pala hirap makabitiw minsan si Arjo sa karakter niya bilang si Atty. Paco dahil weakness din niya ang kanyang ang pamilya. Malapit sa nanay niyang si Sylvia si Arjo kaya masyado niyang dinidibdib ang hirap na nararanasan ng ina sa eksenang nakakadena ito at paos na ang boses na nagmamakaawa kay Jacob.

Tinanong namin kahapon si Ibyang kung sino sa dalawang anak niya ang uunahin niyang barilin, “Sikreto ‘yan!” biting sagot niya sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending