Hugot ni Shaina: Sarili ko muna bago lalaki!
WALANG problema kay Shaina Magdayao kung hanggang ngayon ay single pa rin siya at loveless. Hindi naman daw siya nagmamadaling magka-boyfriend at masaya naman daw siya kahit wakang dyowa.
Sa nakaraang mediacon para sa bago niyang pelikula, ang “Single/Single: Love Is Not Enough” opposite Matteo Guidicelli, sinabi ni Shaina na choice niya talaga ang magpaka-single muna.
“Yes, single pa rin po ako ngayon, I guess because hindi pa dumating ang perfect time ni Lord. Hindi rin naman po ako nagmamadali,” pahayag ng dalaga.
Napakarami raw niyang ginagawa ngayon kaya feeling niya, magiging unfair din sa boyfriend niya kung makikipag-commit siya ngayon.
Tuloy-tuloy din kasi ang trabaho ni Shaina kaya hindi niya nararamdaman ang kawalan ng partner in life. Bukod sa promo ng “Single/Single: Love Is Not Enough”, halos araw-araw din ang taping nila para sa Kapamilya afternoon series na Asintado kung saan gumaganap siyang kontrabida ni Julia Montes.
Hirit pa ni Shaina, “Hindi ko ho masasabi when would be the perfect time, but I guess I would know and I will tell everyone naman po.”
“If I think about it, me as a young woman, everything is about my family, my passion, myself. Ine-enjoy ko muna ‘yung oras para sa sarili at para sa mga kaibigan.
“Kasi when you’re younger you’re more fearless, you’re more careless but as you grow older mas calculated na ‘yung ginaagawa mo sa buhay mas pinag-iisipan mo yung mga risks involved, you think about your decisions first before going into a relationship,” aniya pa.
Samantala, ang “Single/Single: Love Is Not Enough” ay sa direksyon nina Veronica Velasco at Pablo Biglang-awa mula sa Cinema One at PhilStar TV to be distributed by Star Cinema.
Makakasama nina Matteo at Shaina rito sina Anna Luna, Brian Sy, Cherie Gil, Ricky Davao at JC Santos, at showing na sa mga sinehan nationwide sa May 2.
Ang “Single/Single: Love Is Not Enough” ay nagsimula bilang serye sa Cinema One kung saan bumida nga ang tambalan nina Matteo at Shaina bilang sina Joee at Joey. At magsisimula naman ang movie version nito sa huling episode na napanood ng mga viewers ilang buwan na ang nakararaan.
Sa kuwento, malapit nang manganak si Joee habang in love pa rin si Joey sa kanya at pilit nitong ginagawa ang lahat upang maging isang responsableng foster father. Ang mga reyalidad ng pagkakaroon ng baby ang siyang magiging dahilan upang mabago ang dynamics ng kanilang ideal relationship.
Ano ang kahihinatnan ng kuwento ng pag-iibigan nina Joee at Joey? Tuluyan na kayang masira ang kanilang samahan dahil sa magkaibang pananaw sa buhay? At paano makakaapekto sa kanilang mga desisyon ang mga taong nakapaligid sa kanila, lalo na ang mga kaibigan nilang millennials?
Lahat ‘yan ay sasagutin sa pagpapatuloy ng kuwento nina Joee at Joey sa “Single/Single: Love Is Not Enough”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.