Roderick Paulate kinasuhan sa ghost employees | Bandera

Roderick Paulate kinasuhan sa ghost employees

Leifbilly Begas - April 25, 2018 - 04:24 PM

 Nahaharap sa mga kasong kriminal sa Sandiganbayan si Quezon City Councilor Roderick Paulate kaugnay ng 30 ghost employees na pinasuweldo umano ng city council noong 2010 ng mahigit sa P1 milyon.  Kasama ni Paulate sa kasong graft at walong kaso ng falsification of public documents ang kanyang liaison officer na si Vicente Esquilon Bajamunde. Si Paulate ay nahaharap din sa kasong falsification by a public officer. Ayon sa isinampang kaso, nagpagawa umano si Paulate ng pekeng Personal Data Sheet at job order sa kanyang chief of staff na isinumite sa Office of the Vice Mayor para sa approval, City Budget Officer para mapondohan at City Personnel Officer para mai-rekord. Ang mga ‘fictitious job contractors’ umano na kinuha ni Paulate ay sina Enrico Arenillo, Marvin Balais, Eden Joy Barredo, Sheryl Basco, Johaira Caisip, Nancy Carasco, Zoila Catabay, Chona Dantes, Sandro Dimayuga, Norberto Emmanuel, Romulo Fernandez, Jacylyn Fonte, Vincent Gallego, Florence Imperial, Victor Inocencio, Oliver Juanson, Mark Lacsina, Junel Leano, Gerrinie Madriaga, Renato Noriega, Romeo Oliveros, Socorro Padilla, Micaela Pelayo, Analiza Sangrones, Rhodora Tejada, Rodolfo Terrado, Jomar Untalan, at Jonathan Ureta. Nagpalabas umano si Paulate ng certification at sinabi na nagtrabaho ang may 30 contractual employees ng 40 oras kada linggo at binigyan ng kapangyarihan si Bajamunde upang kolektahin ang kanilang suweldo mula Hulyo 1 hanggang Nobyembre 15, 2010 na may kabuuang halagang P1.1 milyon. Ayon sa Ombudsman pineke ni Bajamunde ang pirma ng mga empleyado samantalang ang authorization letter na ibinigay ni Paulate ay walang special powers of attorney. Si Paulate ay nauna ng sinibak ng Ombudsman matapos mapatunayang guilty sa kasong administratibo sa alegasyong ito pero binaliktad ng Court of Appeals ang desisyon kaya siya ay nakabalik bilang konsehal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending