Western Visayas namayani sa athletics ng PRISAA Nat’l Games | Bandera

Western Visayas namayani sa athletics ng PRISAA Nat’l Games

- April 25, 2018 - 12:15 AM

TAGBILARAN CITY, Bohol—Humakot ang Western Visayas ng apat na ginto sa athletics habang namayani naman ang Zamboanga sa weightlifting sa 2018 PRISAA National Games na ginawa dito sa Carlos P. Garcia Sports Complex.
Nagwagi ng ginto si Jose Jerry Belebestre sa men’s long jump sa itinala nitong 7.06 metro habang nanalo naman si Michael Mana-ay sa men’s 110m hurdles men sa tiyempong 14.47 segundo para pangunahan ang kampanya ng Western Visayas.
Nag-ambag din ng ginto sina Ara Rhabea Delotayo sa 100m hurdles secondary girls (16:56.00) at Kim Villaruz sa 3000m secondary girls (11:33.81).
Habang nananalasa ang mga atleta ng Western Visayas sa track oval ay namayani naman ang mga taga-Zamboanga sa weightlifting.
Nanalo ng gintong medalya sina Carlo Soriano, Patricia Nina Gregorio at Rowel Garcia para panindigan ng Zamboanga ang pamosong tawag dito na “Weightlifting Capital of the Philippines.”
Nagwagi din ang Western Visayas sa dance sports mula sa tambalan nina Aleia Robbyn Muyco at Mico Andrei Hechanova sa Latin American.
Nakuha naman ng Central Visayas ang ginto sa modern standard mula sa magandang performance ng magkapatid na sina Zjainne Troy at Zjames Tracy Villarta.
Sa baseball ay tinalo ng Western Visayas ang Region X, 2-1 at pinayuko ng Region XII ang CAR, 9-3.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending