Libreng sakay sa MRT 3 sa Mayo 1 | Bandera

Libreng sakay sa MRT 3 sa Mayo 1

Liza Soriano - April 25, 2018 - 12:10 AM

MAY alok na libreng sakay ang MRT 3 sa mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor sa Mayo 1, Araw ng Paggawa.

Bibigyan ng libreng sakay ang mga manggagawa kasabay ng pagdiwang ng bansa sa Labor Day sa susunod na linggo.

Maaaring makasakay ng libre sa MRT 3 mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at mula 5:00 hanggang 7:00 pm sa Mayo 1. Ngunit kinakailangan lamang na magpakitang kanilang company identification card.

Bibigyan ng mga magnetic card ang mga pampubliko at pribadong manggagawa para makapasok sa mga service gate ng MRT.

Ipatutupad pa rin ng pamunuan ng MRT ang karaniwang inspeksyon sa mga bag at bagahe ng mga pasahero at manggagawa.

Sa oras na dumating sa kani-kanilang mga destinasyon ang mga manggagawa pagkatapos ng libreng sakay, dapat nilang ibalik ang mga naibigay sa kanilang magnetic ticket sa mga drop box na makikita sa mga service gate ng MRT.

Mayroong mga istasyon ng MRT 3 sa North Avenue, Quezon Avenue, Kamuning, Cubao, at Santolan-Annapolis sa Quezon City; Ortigas Avenue sa Pasig City; Shaw Blvd. at Boni Avenue sa Mandaluyong City; Guadalupe, Sen. Gil Puyat Avenue (Buendia), Ayala Avenue, at Magallanes Avenue sa Makati City; at Taft Avenue naman sa Pasay City.

Sa kabilang dako, pangungunahan ng Department of Labor and Employment ang ika-116 na pagdiriwang sa Araw ng Paggawa kasabay ng paglulunsad ng 53 Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) Job and Business Fair sa buong bansa.

Higit kumulang 80,000 na bakanteng trabaho ang iaalok ng mga nasabing job fair para sa mga job seeker.

Sa Mayo 2, ang DOLE, katuwang ang National Anti-Poverty Commission, ay pangungunahan rin ang Labor Day para sa Informal Sector worker bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa informal economy.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending