Grab pumayag na itago sa driver ang destinasyon ng pasahero bago tanggapin ang booking | Bandera

Grab pumayag na itago sa driver ang destinasyon ng pasahero bago tanggapin ang booking

Leifbilly Begas - April 24, 2018 - 05:46 PM
Pumayag na ang Grab Philippines na itago sa kanilang mga driver ang destinasyon ng mga pasahero na nagbo-book sa kanila. Ikinatuwa naman ito ni PBA Rep. Koko Nograles na sumita sa Grab dahil sa hindi pagsunod sa utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. “Thank you Brian Cu and Grab Philippines for finally implementing the LTFRB order after more than 2 1/2 years,” ani Nograles na ang tinutukoy ay si Cu na siyang head ng Grab sa bansa. Sinabi kahapon ng Grab na simula sa Biyernes ay hindi na makikita ng kanilang mga driver kung saan pupunta ang mga pasahero bago nila tanggapin ang booking. Dahil nalalaman ng mga driver ng Grab kung saan pupunta ang pasahero, may pagkakataon sila na hindi kunin ang booking. Ayon kay Cu ang pagbabagong ito ay magreresulta sa mas konting kanselasyon ng trip. Pinarusahan ng Grab ang may 500 driver nito dahil sa mga reklamo ng booking cancellation. Umaasa naman si Nograles na hindi na matatagalan bago ipag-utos ng LTFRB na ibalik ng Grab ang siningil nitong P2/minute. Hindi umano ipinaalam ng Grab sa LTFRB ang paniningil na ito. “Sana naman yung refund ng P2/minute hidden charges ay hindi naman aabot o lalampas ng 2 1/2 taon din. Sana naman yung LTFRB should check compliance of their Orders,” ani Nograles. Nadiskubre ni Nograles ang P2/minute charging ng Grab ng humingi siya ng breakdown ng siningil sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending