SINABI ng Philippine Coast Guard (PCG) na dalawang barko at anim na floating asset ang ipapakalat sa para magpatrolya sa mga beach sa Boracay sa anim-na-buwang pagsasara ng isla simula Abril 26.
Idinagdag ni PCG spokesman Armand Balilo layunin nito na matiyak ang seguridad sa Boracay.
“Ayon kay Lieutenant Commander Ramil Palabrica, PCG Station Commander ng Caticlan, nakahanda din ang pwersa ng PCG kung sakaling may magproprotestang mga bangkero at magtatangkang manggulo at papasok sa shoreline ng Boracay,” sabi ni Balilo.
“Sinisigurado ng PCG na patuloy pa rin ang pagsasagawa ng pre-departure inspection sa lahat ng floating vessels upang masigurado na walang unauthorized passengers sa lugar at hindi overloaded ang mga ito,” ayon pa kay Balilo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.