CBCP, MALACAÑANG nag-utos na ipatigil agad ang pagpapalabas ng ‘MY HUSBAND’S LOVER’ | Bandera

CBCP, MALACAÑANG nag-utos na ipatigil agad ang pagpapalabas ng ‘MY HUSBAND’S LOVER’

Alex Brosas - June 27, 2013 - 08:00 AM

THERE seems to be obvious efforts to put to a halt the airing of My Lover’s Husband. We read reactions from displeased fans of this Carla Abellana, Tom Rodriguez and Dennis Trillo that there are moves daw to pressure the show to close soon.

Tama ba ang nabasa namin sa Twitter na merong memo ang MTRCB na tapusin na ang show dahil sa reklamo ng Malacañang at CBCP laban sa My Husband’s Lover?

Teka, bakit naman mag-i-issue ng memo ang MTRCB sa isang network at sabihing tapusin na nito ang palabas nila? It really doesn’t make sense, ha!

At bakit naman kailangang makialam ang Malacañang at ang CBCP sa isang palabas sa TV? Affected much ba ang mga beauty ng mga tao sa dalawang ahensiyang ito?

Nakakatawa itong CBCP, masyadong sensitive sa issue ng kabaklaan. Bakit, wala bang baklang pari? Bakit, wala bang nagagawang kasalanan ang mga pari? Bakit nakikialam sila sa ginagawang soap opera ng GMA 7?

At sino naman sila para magsabi na immoral ang isang palabas?  May mga nagrereklamo na raw sa pagpapalabas ng My Husband’s Lover. Sino sila? Why don’t they come forward and air their grievances? Baka naman bayad ang mga  ito?

Ang sabi naman ng Malakanyang, i-report daw kaagad sa MTRCB ang complaint nila sa show na Carla, Tom at Dennis dahil kaagad itong aaksyunan ng nasabing sangay ng gobyerno.

Aba, speed justice pala ang kaagad na ii-implement ng MTRCB office sa show kung ganoon. Sana ganoon din kabilis ang gobyerno natin sa pagresolba sa mga anomalya sa iba’t ibang sangay nila.

Anyway, nahahalatang marami ang nai-insecure sa bagong soap opera ng Siyete kaya naman lahat ay ginagawa para maalis ito sa ere.  If that is not a sign of INSECURITY ay hindi na namin alam ang itatawag diyan.

Nakakatawa ang mga taong simbahan. There are movies and soap operas about kabit and they seem to be bulag, pipi at bingi.
Bakit ngayon na merong love story ang dalawang beki sa isang teleserye ay panay ang paalala nila na gawin ito nang tama?

Marami talagang ipokrito sa bansang ito. Naglilinis-linisan at ang akala mo kung sino talaga silang ubod nang linis at walang kasalanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kapag ba babae ang kabit ay okay lang per kapag bading na ang third wheel sa isang relasyon ay malaswa at immoral na. Naku, ‘pag nagsama-sama ang mga bakla sa bansang ito ay baka mahimasmasan ang simbahan.

‘Wag n’yong hintayin na maghimagsik ang mga bading ano at baka malintikan kayo. There are those who are bashing My Husband’s Lover’s writer na si Suzette Doctolero. Talagang gumagawa sila ng iba’t ibang account sa FB at Twitter para lang asarin at i-bash ang writer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending