Paolo sa mga miyembro ng LGBT: Hindi lang mga babae ang pwedeng maging nanay! | Bandera

Paolo sa mga miyembro ng LGBT: Hindi lang mga babae ang pwedeng maging nanay!

Ervin Santiago - April 23, 2018 - 12:05 AM


ISTRIKTONG tatay si Paolo Ballesteros at feeling din ng kanyang leading lady sa pelikulang “My 2 Mommies” na si Solenn Heussaff ay magiging mahigpit din siyang nanay sa kanyang mga anak.

Sa presscon ng Mother’s Day offering ng Regal Entertainment kamakalawa, natanong ang mga bida ng movie na sina Solenn at Paolo tungkol dito. May anak na babae si Pao habang balak namang magbuntis ni Solenn three years from now.

“Bilang tatay, kasi hindi ko naman kasama araw-araw ang anak ko, nasa Baguio siya kasama ang mommy niya, masasabi kong istrikto and disciplinarian din in a way. Kasi protective ka lang sa kanya, ayaw mo siyang mapariwara. Lahat naman ng magulang they only want the best for their children,” sagot ng Make-Up Transformation King.

Chika naman ni Solenn, “Strict mother din siguro ako. Kasi I know lukaret ako, e. Luka-luka ako in some ways so ayokong maging tulad ko ang magiging anak ko. But of course, ayoko ring maging super higpit, yung balance lang.”

Hirit pa ng Kapuso TV host-actress, kapag daw nabuntis siya hindi muna niya ibabandera sa social media, “Maybe after six months saka ko lang ipo-post. Yung magugulat na lang kayo. Ha-hahaha!”

Samantala, perfect talaga for Mother’s Day ang “My 2 Mommies” ng Regal Films kung saan makakasama rin ang nag-iisang Diomond Star na si Maricel Soriano. Magsisilbi rin itong tribute sa iba’t ibang klase ng nanay.

“This is a touching movie that celebrates mot-herhood and aims to show that more than the gender, being a mother is all about a parent’s unconditional love for to the child,” sey ni Solenn.

Gagampanan ni Paolo ang karakter ni Manu, isang discreet gay with a successful career. Meron siyang lover na gagampanan naman ni Joem Bascon. Biglang magugulo ang kanyang buhay sa pagdating ni Monique (Solenn) kasabay ng pagpapakilala sa kanilang anak.

“Ang gusto naming ipakita is a different kind of mother. Kasi ang alam natin pag Mother’s Day, the usual na nasa card na puro mama. Tama naman ang nasa movie, hindi lang naman babae ang nanay, di ba?” ani Pao.

Dugtong pa ng Eat Bulaga host, “Merong ibang klaseng nanay, yung iba nawala yung nanay at ang naging nanay, yung kapatid, so it’s a different kind of mother.”
Para naman kay Solenn, timely din ang pagpapalabas ng “My 2 Mommies” lalo na ngayong unti-unti nang nagiging open ang mga Pinoy sa mga unconventional types of relationships.

“In a way, people are accepting things more. Pati yung LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community is strong na also. Madaming bansa na ang nag-agree ng gay marriage, the world is opening up little by little, so relatable talaga ang movie,” paliwanag ng sexy actress na ang tinutukoy ay ang mga single moms, separated and gay couples.

q q q

Eric Quizon, who directed the film, said that the premise of the movie has been existing for a long time but it is only now that people are warming up to the idea.

“There are a lot of pa-rents na ganyan. It’s just that because of how Filipinos view it. Syempre, religion pa rin (may malakas na influence). But ang maganda kasi now, people have become more socially accepting, yung social awareness mas okay na,” sey pa ni direk Eric.

Going back to Paolo, puring-puri naman niya si Solenn bilang leading lady. Matagal na raw niyang kakilala ang aktres at hanga siya sa kabaitan at professionalism nito.

“Everybody look up to her. I really like her persona-lity, at napakatalented nya. Maganda na, brainy pa, plus na yung fit and sexy! Gusto kong maging siya, at gusto ko rin si Nico (Bolzico, asawa ni Solenn)!” sabay tawa ni Pao. “Tsaka walang kaarte-arte, kahit ano’ng ipagawa mo sa kanya, game siya!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “My 2 Mommies” sina Diane Medina, Marcus Cabais, Debraliz, Mich Liggayu, Billy Ray Gallion at marami pang iba. Showing na ito sa May 9 nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending