Lady official bawal nang sumakay sa presidential plane ni Du30 | Bandera

Lady official bawal nang sumakay sa presidential plane ni Du30

Bella Cariaso - April 22, 2018 - 12:10 AM

DA who ang lady official na bawal nang sumakay sa presidential plane ni Pangulong Duterte tuwing nagbibiyahe siya sa ibang bansa?

Alam n’yo bang ban na ang lady official na makasama sa loob ng eroplano kung saan nakasakay si Digong sa kanyang mga biyahe?

Ayon sa mga bubuwit mismong ang long time partner ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avancena ang nag-utos na wag nang pasakayin ang lady official.

At dahil nga ban, sa nakaraang biyahe ni Pangulong Duterte sa China, naging advance party na lamang ang peg ng lady official.

At bago pa man dumating ang presidential plane ni Du30 sa China, lumipad na ang lady official sa Hong Kong.

Ang usap-usapan tuloy, ayaw na ring makita ni Honeylet maging ang pagmumukha ni lady official.

Ano kaya ang nakarating kay Honeylet at mukhang sobrang galit niya sa lady official?

Sino ang lady official na tinutukoy ko? Clue, dating konektado sa isang pribadong korporasyon ang lady official bago kunin ni Digong.

Usap-usapan din na ganda lang ang puhunan ng lady official dahil kuwestiyonable rin ang kanyang kuwalipikasyon sa kanyang posisyon.

Laging pinagtatawanan ang talino ng lady official.

May duda nga na siya ang sanhi ng kapalpakan ng ahensiyang kanyang kinabibilangan.

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya kamakailan ang isang ahensiya ng pamahalaan dahil sa mali-maling grammar.

Hindi rin makasundo ang lady official ng kanyang mga kasamahan sa departamento dahil sa kakaibang ugali nito na feeling primadona.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gets n’yo na ba ang tinutukoy ko?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending