'Walang pwedeng manira sa pagiging ina ni Kris Aquino!' | Bandera

‘Walang pwedeng manira sa pagiging ina ni Kris Aquino!’

Cristy Fermin |April 21,2018
facebook
share this

‘Walang pwedeng manira sa pagiging ina ni Kris Aquino!’

Cristy Fermin - April 21, 2018 - 12:20 AM

KRIS AQUINO

SABIHIN na nilang lahat ang mga pintas at pagpuna kay Kris Aquino pero bilang ina ay walang maibabato laban sa kanya ang mga taong walang nakikitang maganda tungkol sa kanya.

Nu’ng mga panahong kasagsagan ng kanyang trabaho, ilang TV shows ang ihino-host niya, isinasama niya sa studio sina Josh at Bimby dahil maghapon siyang wala sa bahay.

Habang nakasalang si Kris sa programa ay naglalaro naman sa dressing room ang kanyang mga anak, nandu’n na ang kanilang mga pagkain, mahilig sa pancit si Joshua Phillip.

Kahit saan magpunta si Kris, kahit sa ibang bansa pa, ay palagi niyang kabuntot ang magkapatid. Siya ang bumibili ng ticket para kina Josh at Bimby at sa mga yaya ng kanyang mga anak kapag trabaho ang dahilan ng kanyang pangingibang-bansa.

Ang kanyang dahilan, iba pa rin ‘yung nakikita niya nang personal ang kanyang mga anak at hindi basta pag-uusap lang nila sa phone kapag nagtse-check siya sa magkapatid, tutok na tutok talaga si Kris kina Josh at Bimby.

Kaya kung sinuman ang maglalakas-loob na punahin at i-bash si Kris bilang ina ay alam na!

Nagsisinungaling ‘yun, walang alam sa personal na galaw ng aktres-TV host, imbento lang ang kuwento para siraan siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending