Young actor mahina, marupok, mapusok; babagsak ang career dahil lang sa babae | Bandera

Young actor mahina, marupok, mapusok; babagsak ang career dahil lang sa babae

Cristy Fermin |April 21,2018
facebook
share this

Young actor mahina, marupok, mapusok; babagsak ang career dahil lang sa babae

Cristy Fermin - April 21, 2018 - 12:15 AM


SADYA palang marupok ang puso ng isang sumisikat na batang aktor. ‘Yun pala ang kanyang hina. ‘Yun din ang sinasabi ng kanyang mga kasabayan na ikasisira ng kanyang career kapag hindi niya naiwasan.

Hindi lang pala ngayon, kahit nu’n ay palagi nang nabibitag ng magaganda at seksing kababaihan ang young actor na ito.

Sabi ng aming source, “Hindi naman siya ‘yung tipong literal na damitan mo ang tinidor at kutsara, e, bumibigay na. Hindi naman siya ganu’n. Pero mahina talaga ang pagtitimpi niya sa magagandang girls.

“Kapag hindi niya ‘yun agad na natanggal sa system niya, e, siguradong masisira ang career niya, du’n na magsisimula ang pagbagsak niya,” paliwanag ng impormante.

Dating mahilig mag-bar hopping ang young actor na ito, pero hindi siya palainom, sa magdamag ay isang bote nga lang ang kaya niyang inumin. Ano ang dahilan ng pagpunta niya sa bar?

“Girls! Marami kasi siyang nakikita at nakikilala du’n! Palitan ng phone number, chikahan, chat-chat, ganu’n ang ginagawa niya. Pero iba na kasi ang iniikutan ng buhay niya ngayon.

“Acting na. Ang galing-galing pa naman niyang umarte, pinapalakpakan ng televiewers ang pag-arte niya. Palagi siyang pinupuri. Magaling naman kasi siyang umarte talaga.

“Wala na halos siyang time ngayon para mag-ikot, hindi na siya nakapagba-bar hopping, puro trabaho ang ginagawa niya ngayon. Pero mahina talaga siya sa magagandang babae.

“Marupok siya, mapusok, kaya nalalagay siya sa alanganin palagi. Look, naboldyak na siya lately, di ba? Nabuking ang ginagawa niya na meron na nga siyang girlfriend, pero nag-e-entertain pa rin pala siya ng ibang babae!” tip pa rin ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakahina na lang talaga ng signal n’yo kapag hindi n’yo pa natumbok kung sino ang magaling umarteng young actor na ito!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending