Mga pasahero inireklamo ang masamang serbisyo ng Grab, mga driver sinisi ang faulty system | Bandera

Mga pasahero inireklamo ang masamang serbisyo ng Grab, mga driver sinisi ang faulty system

- April 19, 2018 - 08:46 PM

MATAPOS ireklamo ng isang babae ang masamang serbisyo ng isang driver ng Grab, nadiskubre niya na maging ang mga driver ay may mga reklamo rin.

Nagsimula ito matapos idetalye ng Reddit user na si sabinijo ang kanyang naranasanag hindi maganda sa pagbu-book ng ride sa Grab app noong Abril 16.

Sa kabila na dalawang minuto lamang ang layo ng driver, hindi ito kumikilos para siya puntahan, Nagdesisyon siya na gamitin ang app ng kanyang kapatid na babae para makakuha ng sakay.

Hindi naman niya kinansela ang unang booking at habang nakasakay sa bagong nakuhang sasakyan, tinatong niya ang driver kung mayroong poblema sa app.

“Lagi naman nagloloko si Grab,” sabi ng driver na dating nagtatrabaho sa Uber. “Mas maayos Uber.”

Nang ikinuwento niya ang naranasanan sa unang driver na hindi kumilos para siya kontakin, sinabihan siya na wag ikansela ang booking.

“Ay naku Ma’am, beterano yan! Naghihintay yan na kayo mag-cancel! Wag n’yong i-cancel Ma’am, bayaan nyo sya. Strikto Grab sa mga nagka-cancel,” sabi ng driver.

Matapos ang 30 minuto, napansin niyang kumilos na ang kotse at kinansela na rin ang kanyang booking.

“Buti nga sa kanya! Maghapon nya nang babawiin yung rating nya; madaming ganyan na beterano na nananamantala!” sabi ng driver.
Sinabi ng driver na kumpara sa Uber, “incentives are lower” at “riders are harder to find”, na ang tinutukoy ay ang serbisyo sa Grab.

Idinagdag ng driver na bago siya nakakuha ng pasahero, umabot ng 15 ito ng minuto. Sinisi ng driver ang kawalan ng interes ng mga Pinoy na sumakay ng Grabe. May problema rin ang app nt Grab kung saan mas matagal ang mag-load kung magkano ang pamasahe.

“Grab takes a bigger cut, and he has to constantly make sure his G-cash has credit because Grab immediately gets its take and if he runs out of credit, he can’t get riders,” sabi ng driver.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending