Loveteam nagkikita sa secret place na ‘for adults only’
NAKAKALOKA ang mga tsismis! Sinasakyan lang daw ng dalawang kilalang young stars ang mga kontrobersyang kinasasangkutan nila ngayon kahit na nalalagay na sa alanganin ang kanilang respective image and career.
Kesyo naaapektuhan na raw ang samahan nila dahil sa third party, na kesyo nakikipagmabutihan daw uli ang young actor sa dati nitong ka-loveteam, at kung anik-anik pang isyu.
Pero ang tsika ng aming ka-Chismacker, madalas daw magkita ang dalawa sa iisang lugar every time na may break sila sa kanilang respective works.
Ang binanggit sa aming “secret place” ng magdyowa ang nagsisilbing hideaway o half-way love nest nila sa gitna ng mga busy nilang schedule lalo pa’t kapwa nasa labas ng Maynila ang kanilang mga bahay.
Hindi alam ng kanilang pamilya ang ganitong set up ng mga bagets na kunwaring nag-aaway pero very much attached naman sa isa’t isa sa tunay na buhay.
Ayon pa sa aming source, sa murang edad ng mga ito at sa mala-anghel nilang itsura, mahihiya ang mga titos at titas of Manila sa “for adults” nilang usapan. Alangan naman daw kasing naglalaro lang sila ng “bato-bato pick” o kaya’y naglulutu-lutuan sa kanilang “secret place” na ang tsismis pa ay kapwa nila nirerentahan. Ano ‘to, live in na ang peg?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.