Magandang aktres santa-santita, umiiyak nang walang dahilan | Bandera

Magandang aktres santa-santita, umiiyak nang walang dahilan

Cristy Fermin - April 19, 2018 - 12:15 AM


HINDI sinero ang dating ng isang pamosong aktres para sa mga dati niyang kasamahan sa trabaho.
Markado ang aktres na ito sa pagiging maldita at tantrumera.

Sa dati niyang network hanggang sa lumipat siya sa kabila ay isa lang ang maririnig na komento, sobrang maldita ang aktres, ang feeling daw niya ay siya na ang pinakasikat na artista sa balat ng lupa.

Maraming ilag na ilag sa kanyang ugali, mahirap daw kasing hulaan kung ano ang kanyang mood, minsan wala siyang kinikibo at minsan namang walang patid sa kadadaldal kapag nasa mood siya.

Kuwento ng isang source, “Saka nakaiiyak siya anytime kahit wala namang nakakaiyak sa situation.

“Nakakaloka siya, saan kaya niya hinuhugot ang ganu’n? Nakakagulat dahil habang nagsasalita siya, e, bigla na lang siyang umiiyak!

“Nu’ng minsang interbyuhin siya sa isang talk show, e, ang saya-saya pa niya nu’ng dumating siya sa studio. Masaya talaga siya, kaway pa siya nang kaway sa audience.

“Tapos, nu’ng kalagitnaan na ng interview sa kanya, e, nagulantang ang host, kasi nga, bigla na lang siyang umiyak. Nakunsensiya tuloy ang host, ang tanong sa kanya, ‘Did I hurt you? Did I say something wrong?’

“Wala raw, hindi raw naman, may naalala lang daw siya na biglang nagpalungkot sa kanya, ganu’n ang sagot niya. Di ba naman lukring ang babaeng ‘yun? Umiiyak nang walang dahilan?” tawa nang tawang kuwento ng impormante.

Hanggang ngayon ay bitbit pa rin ng magandang aktres ang ganu’ng ugali. Bigla na lang siyang napapaiyak sa pagsasalita at pagkukuwento.

“Matindi rin ang topak ng babaeng ‘yun! Kita n’yo, hindi siya natagalan ng boyfriend niya, gustung-gusto pa naman sana siya ng family ng guy, kaso, hiniwalayan din siya.

“Kaya very deceiving ang mga ganu’ng itsura, ganda-gandara nga, pero nakakaloka naman ang ugali! Napaka-saintly pa naman ng name niya!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang aktres na ito, pramis!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending