27 kilo ng cocaine narekober sa Camarines Norte, Quezon | Bandera

27 kilo ng cocaine narekober sa Camarines Norte, Quezon

John Roson - April 17, 2018 - 06:47 PM

UMABOT  sa 27 kilo ng cocaine ang natagpuan ng mga mangingisda sa bahagi ng dagat na nasa hangganan ng Camarines Norte at Quezon, nitong Linggo.

Natagpuan ng mga mangingisdang taga-Brgy. Pinagtubigan Este, Perez, Quezon, ang kontrabando dakong alas-9:30 ng gabi, sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police.

Nakasilid ang 27 pakete ng cocaine sa isang kulay asul na drum na may markang “RR” at “Lexus,” at natagpuang palutang-lutang sa dagat, aniya.

Nang maiuwi ng mga mangingisda ang drum ay ipinaalam ito sa kanilang barangay chairman sa pulisya.

Ipinasuri ang laman ng drum sa Quezon Crime Laboratory, kung saan ito nakumpirma bilang cocaine, ani Gaoiran.

Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang Calabarzon regional police sa Eastern Visayas regional police, na matatandaang nakakuha din ng cocaine sa dagat ng Eastern Samar.

Inatasan din ni Chief Supt. Ma-o Aplasca si Senior Supt. Rhoderick Armamento, direktor ng Quezon provincial police, na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon para malaman kung saan nanggaling ang cocaine, ani Gaoiran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending