Ipinaalala ng Bureau of Internal Revenue na hanggang alas-5 ng hapon lang bukas sila tatanggap ng income tax return.
At ang mga maghahain ng 5:01 ng hapon ay papatawan na ng multa.
Sinabi ni Reymarie dela Cruz, public information chief ng BIR, na kung ang isang maghahain ay nasa loob na ng tanggapan ng BIR kapag pumatak ang alas-5 ng hapon ay tatanggapin pa nila ito.
Sa pagpatak ng alas-5 ay isasara na ang BIR ang kanilang compound.
Ang taunang deadline sa paghahain ng ITR ay Abril 15, subalit dahil natapat ito ng Linggo ay inilipat ito ng BIR ng Lunes.
Mayroong 20 filing center ang BIR sa bawat rehiyon bilang paghahanda sa inaasahang maghahain ng ITR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending