Tugade: Kasuhan ang mga pasahero na nagdudulot ng aberya sa MRT3
IPINAG-UTOS ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pamunuan ng Metro Rail Transit 3 na magsampa ng kaso laban sa mga pasahero na nagiging sanhi ng pagkaaberya sa operasyon ng MRT-3 dahil sa hindi pagsasara ng mga pintuan ng tren.
Ginawa ni Tugade ang kautusan matapos pababain ang mga pasahero sa southbound ng Santolan-Annapolis Station noong Biyernes.
Inatasan ni Tugade ang mga opisyal na kilalanin ang pasahero na siyang nagdulot ng pagkasira ng pintuan ng MRT, dahilan para pababain ang mga pasahero. Ito ang unang insidente ng pagbababa sa mga pasahero pagkatapos ng ginawang pagsasaayos ng MRT noong Mahal Na Araw.
“For the last 11 days, there was no unloading, it was smooth. Today, we have the first unloading. Do you know the cause? There was someone who put presensure on the door. Pinilit na pumasok habang sarado na. It’s not about parts, it’s about this passenger,” dagdag ni Tugade.
Sinabi ni Tugade na dapat bantayan ng mga security guard ang mga pasaherong sumasakay sa MRT.
“From now on, lahat ng mahuhuling sumasandal o nagpipilit magbukas ng pinto ng tren kahit sarado na, kasuhan! I told MRT to file cases and collect damages from them. Maraming naaabala dahil sa kawalan ng disiplina,” sabi pa ni Tugade.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.