Anak nina Mariel at Robin ’naglaro’ sa may imburnal | Bandera

Anak nina Mariel at Robin ’naglaro’ sa may imburnal

Reggee Bonoan |April 14,2018
facebook
share this

Anak nina Mariel at Robin ’naglaro’ sa may imburnal

Reggee Bonoan - April 14, 2018 - 12:30 AM


NAGDIWANG ng kaarawan kamakailan ang mahal na ina ni Mariel Rodriguez – nagkaroon sila ng lunch sa Resorts World kasama ang kapatid na panganay at mga apo plus si Robin Padilla.

Isang video ang ipinost ni Robin na kuha sa nasabing selebrasyon kung saan makikita ang kanyang biyenan habang hinihipan ang kandila sa cake. Nilagyan niya ito ng caption na: “In the name of God the most gracious the most merciful. Maraming salamat po aming Nag iisang Dios sa pagpapala at naging madamdamin ang birthday lunch ng aking Mother In Law.

“Napakarami ko sanang gustong sabihin sa Lola ni Isabella pero hindi ko na nagawa kasi hindi naman nag speech ang may birthday kaya dito sa unang video ang gusto ko lang pong sabihin sa inyo Po Ginang April sa maikling panahon na kayo’y aking nakilala ang lahat po ng aking nakita at naramdaman ay pagmamahal sa pamilya lalo sa inyong mga Anak at Apo. Maligayang Maligayang kaarawan po sa inyo.

“Ang sumunod na video ay kuha sa make up room ng PGT. Namula ang mukha ni Isabella kasi natumba yata siya sumangkalan ang mukha. Hehehehe.

“Ang mga larawan namin ni Isabella ay kuha ni @marieltpadilla habang inaantay namin si Peter sa gilid ng kalsada ng very secured resorts world, very curious si Isabella sa side street at imburnal. Ehehehehe!

Natuwa rin siya sa mga marshall at event specialist ng ABS CBN na laging nakabantay sa safety ng mga tao.

“Alhamdulillah Sunday was a good day for the Family Allah hu akbar Happy Birthday Mom April isa po kayong magandang halimbawa ng Mothers love saludo po ako.

“Akoy bumabati rin sa iyo Tita Gloria Garcia sa iyong kaarawan. Hinding hindi ko po malilimutan ang pagwelcome niyo sa akin sa inyong circle of Friends lalo po sa inyong suporta sa akin sa ABS-CBN. Amen.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending