Robin galit na galit sa 'salot' na dulot ng dengue vaccine | Bandera

Robin galit na galit sa ‘salot’ na dulot ng dengue vaccine

Alex Brosas |April 13,2018
facebook
share this

Robin galit na galit sa ‘salot’ na dulot ng dengue vaccine

Alex Brosas - April 13, 2018 - 01:35 AM

ROBIN PADILLA

ALIW ang kuwentuhan nina Robin Padilla at hairdresser na si Jing Monis habang ginugupitan ng huli ang una.

Sa Instagram video ay nagchikahan sila about loving our mothers. Ang ganda ng aral sa mga salita ni Jing about his mom kaya naman pinahalagahan ito ni Robin sa kanyang caption.

“Ang video ay mga ginintuang salmo at habilin ng aking Maestro Barbero na si Jing Monis sa lahat ng gustong malaman kung ano ang sikreto ng kanyang tagumpay at kasikatan.

“Kapag ikaw ang nagsasalita pare ko malinaw na malinaw ang kahalagahan ng kwentong barbero. Tagos hanggang puso at kaluluwa ang Aral at Logic. Maraming maraming salamat sa iyong oras na inilaan para sa bidahan natin. Mabuhay ka Jing!!!

“Ang pangalawa at pangatlo na larawan ay test shots para sa costume sa Sana Dalawa Ang Puso at ang pang apat na larawan ay ang pumupukaw sa aking isipan at galit! Ang salot na dulot ng lamok at ang plague ng Dengue Vaccine.

“Ang unang larawan ay ang kuarto ng Verjandel Hotel na malinis at maganda dito ang standby area namin sa taping ngayon,” say ni Robin.

Incidentally, sa Sana Dalawa Ang Puso ay parang malapit nang mabisto ang pagpapanggap ni Leo Tabayoyong (Robin) dahil kasama rin sa firing si Lisa (Jodi Sta. Maria).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending