NATATAKOT si Quezon City Judge Luisito Cortez na hawakan ang multiple murder case laban kay Andal Ampatuan Jr. dahil daw baka may masamang mangyari sa kanya at sa kanyang pamilya.
Ang kaso laban kay Andal Jr. ay itinuturing na landmark case sa Philippine judicial system dahil sa pagiging prominente nito.
Ang judge na hahawak nito ay tiyak na sisikat dahil sa publisidad o coverage ng radyo at telebisyon.
Sabi ni Cortez, na nakabunot sa kaso sa isang raffle na ginanap, “Aanhin mo ang pagiging sikat kung wala ka nang pamilya.”
P@!$%^& ka! Masahol ka pa sa asong kinapon!
Bakit mo pa tinanggap ang appointment mo bilang hukom kung wala kang yagbols.
Huwag mong sabihin na di mo alam na may nakaambang panganib sa pagiging huwes.
O sobra ang pagkabobo mo kaya’t di mo alam na may inherent risk ang trabaho ng isang judge?
* * *
Umalis ka na diyan sa puwesto mo, Cortez, nang maibigay naman sa ibang matapang-tapang na tao ang iyong puwesto.
Kung lahat ng hukom ay kagaya mo ng mentalidad—umaatras sa kaso kapag nanganganib ang buhay—kawawa naman ang bayang Pilipinas!
Ilan kayang mga pusakal na kriminal ang napawalang-sala dahil sa tinakot nila ang judge na humawak ng kaso laban sa kanila?
Hindi lang pala mga kawatan ang karamihan nating mga mahistrado, mga duwag ang marami sa kanila.
Tingnan mo na lang itong si Cortez. Kung hindi pa nai-raffle sa kanya ang multiple murder case laban kay Andal Ampatuan Jr. hindi natin malalaman na siya pala ay duwag.
Alis diyan. Cortez!
* * *
Nahihiya raw si Archbishop Socrates “Soc” Villegas ng Dagupan-Lingayen archdiocese sa pakikipag-ugnayan ni Pangulong Gloria sa “kasamaan at pagsasayaw sa mga kriminal.”
Ang tinutukoy ni Soc Villegas ay ang pakikipagkaibigan ni GMA sa mga Ampatuan na suspect sa pagpatay ng 57 katao, kabilang na rito ang 30 mamamahayag.
“I’m ashamed, I’m ashamed that those who stood up on the holy ground of Edsa could compromise with evil and waltz with criminals,” sabi ni Villegas.
Matatandaan na sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo na hindi tatalikuran ni GMA ang mga Ampatuan dahil lamang sila’y nasangkot sa pagpatay ng mga inosenteng tao.
Archbishop, hindi lang po kayo ang may kahihiyan.
Ang buong bansa ay nahihiya rin sa pinaggagawa ni GMA sa kanyang puwesto.
Ang hindi lang yata nahihiya dahil makakapal na ang kanilang mga mukha ay si GMA mismo at ang kanyang asawang si Mike Arroyo.
* * *
Hindi raw nagsisisi si Pangulong Gloria sa pagbaba niya ng martial law sa Maguindanao.
Bakit naman daw siya magsisisi, ipinagtanggol lang naman niya ang “moral and legal core” ng buong bansa.
Moral and legal ba ang martial law sa Maguindanao kahit na ang kailangan lamang dito ay isang matatag at malakas na police action laban sa mga Ampatuan?
Kung hindi nga siya nagsisisi sa mga kawalanghiyaan niya, bakit siya magsisisi sa kanyang utos na isailalim sa martial law ang Maguindanao?
* * *
Di natin masisisi si GMA sa kanyang mga kilos na eksaherado.
Kaya siya ganyan ay meron siyang pinupunuan na kakulangan.
Kulang kasi siya sa height.
Yan ang Law of Compensation, ‘ika nga.
Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA, 121709
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.