Balkman, Brownlee excited sa ABL semis | Bandera

Balkman, Brownlee excited sa ABL semis

Angelito Oredo - April 11, 2018 - 12:15 AM

Laro Ngayon
(Southorn Stadium, Wanchai Hong Kong)
8 p.m. Alab Pilipinas vs Hong Kong Eastern
SOBRA ang pagiging excited ng mga Alab Pilipinas world import na sina Renaldo Balkman at Justin Brownlee para sa kanilang semifinals match-up laban sa Hong Kong Eastern na pangungunahan naman ni Gilas Pilipinas member Christian Standhardinger sa Asean Basketball League.
Ang Game One ng best-of-five semis ay gaganapin ngayon sa Wanchai, Hong Kong umpisa alas-8 ng gabi.
Nabigo ang Alab Pilipinas, na suportado ng San Miguel Beer, na makakuha ng isa sa dalawang outright semifinals berth pero halos walang hirap naman nitong pinatalsik ang nakatapat na Saigon Heat ng Vietnam sa kanilang best-of-three quarterfinals duel kabilang ang 96-85 panalo Sabado ng gabi sa Game Two na ginanap sa CIS Arena sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Isang panibagong hamon para kina Balkman at Brownlee ang semis lalo pa’t ang makakatapat nila ay ang nagdedepensang kampeon ng torneyo.
“It’s gonna be a show,” sabi ni Balkman. “Just like every day, every night. We go out and give a show for the fans. It’s gonna be a good one. They haven’t seen us, it will be our first time playing them, their first time playing us.”
Dalawang beses na nagharap ang Alab Pilipinas at Hong Kong Eastern sa torneo ngayong taon kung saan dalawang beses ding nagwagi ang nagtatanggol na kampeong Lions.
Dagdag motibasyon din para kina Balkman at Brownlee na mapatalsik ang defending champion.
Matatandaan na nakasama lamang ng Alab Pilipinas sina Balkman at Brownlee matapos palitan sina Ivan Johnson at Reggie Okosa umpisa ikaanim na laro ng koponan sa torneyo. Sa puntong iyon ay may malamyang 1-4 panalo-talong kartada ang Alab Pilipinas.
Mula noon ay binitbit ng dalawa ang kampanya ng Alab Pilipinas sa pagtatala ng 15-3 record kabilang ang dalawang panalo kontra Saigon Heat sa umpisa ng playoffs.
Sa Elims ay pawang nagtapos sa pangalawang puwesto na may 14-6 kartada ang Alab Pilipinas, Mono Vampire at Hong Kong Eastern sa likod ng nangungunang Chong Son Kung Fu na may 15-5 baraha.
Nakuha ng Hong Kong ang pangalawang automatic semis berth bunga ng mas mataas na quotient habang dumaan sa quarterfinals ang Alab at Mono Vampire.  —Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending