PATAY ang dalawa katao habang anim ang nasugatan, kabilang ang Chinese national, nang bumagsak ang crane mula sa ika-siyam na palapag ng ginagawang gusali ng STI Academic Center sa Edsa, Pasay City, ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jonathan Disredo, 33, crane operator ng Monocrete Construction Corp., at isang Ronnie Rey Delos Santos habang sugatan sina Kumbo Mabinay, 24; Jay Ballon, 29; Liu Shen Xiu, 30; Francisco Angcatan, 59; Melvin Yosores, 28, at Elmer Sedol, 46.
Ayon sa ulat, sini-set up ang crane tower nang bumagsak ito makaraang bumigay ang pressure sa hydraulic cylinder.
Nabagsakan ng boom o ang mahabang bakal ang katapat na Core Town Bldg. na ikinasawi ni delos Santos.
Kasamang bumagsak sa crane ang nasawing si Diserdo. Lima sa mga nasugatan ay mga laborer na nagtatrabaho sa iba ng gusali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.