OFWs sa US nagulat sa mga bagong pasabog ni Alden
WINNER ang unang leg ng “Sikat Kapuso” concert na ginanap nitong weekend sa Newark Symphony Hall sa New Jersey.
Palakasan ng tili at palakpak ang mga nanood kina Dingdong Dantes, Alden Richards, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at, Lovi Poe, habang todo halakhak naman ang audience sa mga pakuwela ni Betong Sumaya.
Walang sawa naman sa kaka-tweet ang mga nanood sa concert at mga netizens tungkol sa mga ganap sa nasabing Kapuso concert.
Hindi raw nasayang ang biyahe ng ilang Pinoy na based sa Manhataan, New York papuntang New Jersey dahil solved na solved sila sa mga bonggang production numbers ng Kapuso stars.
“A good turn out indeed!” tweet ni @marcinareus.
“Ganda ng show non-stop wala pang games in between. That’s what a concert looks like,” @mapother47.
“2018’s gonna be big for Alden. Finally iba na ang songs nya at dance steps nya,” @AlconLala.
Ang hashtag namang #SikatKaKapuso ay pumalo sa second spot sa Twitter trends sa bansa.
From New Jerseyy, pasasayahin naman ng Kapuso artists ang mga Pinoy sa Toronto, Canada. Gaganapin ang concert sa Sony Center for the Performing Arts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.