SARAH bumigay na, ang landi-landi sa THE VOICE
NAKIKIPAGSABAYAN si Sarah Geronimo sa husay ng pagbibigay ng komento at payo sa blind auditioners ng The Voice of the Philippines.
Kung very honest, direct at informative ang approach ni Lea Salonga, habang naka-rely naman sa atake ang peg ng choices ni Bamboo at makapamilya naman ang inuugat ni Apl.de.Ap sa pinanggagalingan ng boses ng mga kalahok, ibang-iba naman ang style ng Pop Princess.
May asim at kumakagat lagi ang mga statement ni Sarah sa mga nagugustuhan niyang kalahok, though kung minsan ay medyo OA na ang kanyang reaction, siguro’y ganu’n lang talaga siya kapag sobrang natutuwa at “nai-in love” sa napipili niyang contestant.
Funny lang yung manner ng pag-deliver ni Sarah ng kanyang mga komento, lalo na ang mga one-liner niya na akala mo’y paglalandi na o pakikipag-flirt. Carried away kasi ang dalaga at napaka-emosyonal nito.
Kung si Lea ay inaakusahan ng iba na super OA dahil sa dami ng facial expression at body language nito (which for us is so fun to watch at nakakaalis ng kaba), si Sarah ay may mga emote pang lalapit at hahalik sa kalahok o di kaya’y magsasabit pa ng bulaklak para lang siya ang piliing mentor o coach.
Exciting ang nagdaang dalawang linggo ng blind audition. Mukha ngang mas titindi pa ang “away” ng mga judges/coaches sa mga susunod na episode ng The Voice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.