Problema ng Grab, Uber merger | Bandera

Problema ng Grab, Uber merger

Ira Panganiban - April 06, 2018 - 12:10 AM

HABANG binabasa ninyo ito ay hindi na ninyo magagamit ang mobile application ng Uber sa Pilipinas.

Bagamat ang kanilang sign off date ay April 8, 2018 ay nagsimula nang magsialisan ang mga driver ng Uber at lumipat sa Grab.

Napakalaki ng epekto ng galaw na ito ng Uber na hindi na naman inisip ang kapakanan ng kanilang mga customer, at ang kikitain nilang salapi ang inuna nila sa negosasyong ito.

Dahil kung kukunin ng Grab ang buong operasyon ng Uber sa bansa ng walang kalaban, magiging monopoly ito at siguradong magiging abusado na naman ang mga driver ng Grab.

Huwag po natin kalimutan na mga lumang taxi driver ang malaking driver base ng Grab at marami sa mga ito ay patuloy ang kanilang baluktot na ugali kahit ang gamit nila ay ride-hailing app na.

Nandiyan ‘yung namimili sila ng pasahero kahit na sa mobile phone na sila kinuha ng pasahero.

Nandiyan ‘yung tatawagan ang pasahero para humingi ng dagdag na pasahe. Nandiyan ‘yung gagawin na lang kontrata ang biyahe kahit na nasa Grab na sila.

Ang masakit nito, dahil alam ng Grab na bibilhin nila ang Uber, mga dalawang buwan na nagtaas ng pasahe ang Grab kahit sinasabi nilang hindi nila ginagawa ito.

Nakita natin ito sa pagkuha natin ng Uber at Grab ng sabay nitong buwan ng Pebrero. Lumalabas na mas mahal ng halos P100 ang Grab sa Uber sa magkaparehong destinasyon.

Hindi na natin ito ikinagulat dahil Disyembre pa lamang ay alam na natin na ibinibenta na ng Uber sa Grab ang kanilang regional operation sa South East Asia. Nauna nang ginawa ito ng Uber sa China kung saan ibinenta nila ang operasyon nila sa Didi, isang Chinese version ng ride hailing app.

Ngayon ay madami nang nagrereklamo na mga parokyano ng ride hailing apps dahil bumabalik na ang ugaling taxi ng mga driver ng Grab. Tumatawag na sila para humingi ng dagdag sa pasahe.

Tinatanggihan na nila ang mga destinasyon na hindi nila kursunada o kaya ay matrapik o malayo.

Hindi lang yan. Nagimbestiga na rin ang Philippine Competition Commission sa merger dahil mukhang hindi maganda para sa kompetis-yon ang resulta nito.

Ayon kay Arsenio Balisakan, pinuno ng PCC, kailangan nilang silipin kung papayagan nila ang merger na maaaring magtungo sa monopoly.

Maging ilang mga senador ang nababahala sa development na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending