Albayalde itinalaga ni Du30 bilang bagong PNP Chief
ITINALAGA ni Pangulong Duterte si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde bilang bagong chief ng Philippine National Police (PNP).
“I told Crame may bago tayong chief PC, I’m going to announce it now, it’s albayalde,” sabi ni Duterte sa isang talumpati sa Malacanang.
Nauna nang pinalawig ni Duterte hanggang Abril 21 ang termino ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa matapos ang kanya sanang pagreretiro noong Enero 21, 2018.
“Kais tinanong ko yung mga taga-Davao. I mention two other names, sabi ayan sir, mahusay iyan sir, mabait. Tapos si Albayalde, sir, masyado istrikto… iyan si Albayalde ang inyo.. . Then Albayalde is the man for you. So, the stricter, the better,” ayon pa kay Duterte.
Pinalawig ni Duterte ang termino ni dela Rosa sa ikalawang pagkakataon, bagamat hindi sinabi hanggang kailan ito epektibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.