Robin Padilla bashed for ‘kailangan mo pa rin ng lalaki’ statement sa single mom na pole dancer
DUMALE na naman itong si Robin Padilla sa pagiging taklesa.
Oops, ‘wag na sana niyang agawan yung nag-iisang reyna nang pagiging taklesa.
Uminit na naman ang ulo ng netizens when Binoe made a remark sa isang contestant ng “Pilipinas Got Talent” nitong April 1.
Ayon sa mga nakasubaybay sa programa, what Binoe said was something sexist and misogynistic.
Ang kalahok ay si Kristel de Catalina, isang single mom na nagpabilib sa mga judges sa kanyang makalaglag-bagang performance gamit ang spiral pole.
Bilib na bilib ang mga judges kay Catalina, lalo na si Angel Locsin na nagsabi pa na ang pole dancer ay “one of the toughest to beat in the competition”.
“Ikaw ang pinakamabigat na makakalaban ng contestants ng PGT,” sey ni Angel. “Kailangan talaga nila mag level up para makatapat sayo. Sobrang wow.”
Ang what did Robin say?
“Umpisa pa lang solb na ko sayo eh,” sey ni Robin.
“Alam mo di ako natakot sa lahat nang ginawa mo wala akong naramdamang takot kasi alam kong kayang kaya mo. Perfect yung [form] mo, precision.”
Papuri rin ang ibinigay ni Vice Ganda.
“Tapos na. Tapos na, diba? Thank you so much because you saved the night,” sey pa ni Vice. “Wala. Lampaso yung kalaban. Nilampaso mo yung kalaban.”
“Lalong nagpaganda pa yung simbolismo nung ginagawa mo, yung simbolismo na ginagawa mo na pinapakita mo sa buong mondo na ikaw ay isang solo parent. Ikaw ay isang babae at ang isang babae ay kayang umangat at magningning kahit nag-iisa,” dagdag pa ni Vice.
At dito na nagsalita si Robin at malakas na isinigaw sa mikropono na: “Pero kailangan mo pa rin ng lalake!”
The original video in the “Pilipinas Got Talent” YouTube account cuts right into Padilla’s comment, but a netizen with the username “TaLeNT” uploaded the video yesterday including Padilla’s remark. It is also up on www.iwantv.com.ph for the watching.
As of this writing, a lot of netizens have taken their disappointment to Twitter, with some calling out Padilla’s “misogyny,” “sexism” and “fragile masculinity.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.