Walang summer sa Boracay: 6 buwan closure epektibo sa Abril 26
- April 04, 2018 - 10:01 PM
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Duterte ang pagpapasara sa Boracay sa loob ng anim na buwan, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
“Bora closed for six months effective 26 April,” pahayag ni Roque.
Ginawa ng pangulo ang pag-apruba sa pagpapasara sa kilalang destinasyon sa mundo sa ika-24 Cabinet meeting sa Malacanang nitong Miyerkules.
As of posting time, wala pang ibang detalye na ibinibigay ang Palasyo hinggil sa kautusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending