Bea ‘pinatawad’ na si Gerald, na-insecure lang daw kay Pia
BEA Alonzo started following Gerald Anderson on Instagram again.
This prompted some people to think nagselos lang si Bea kay Pia Wurtzbach na leading lady ni Gerald sa “My Perfect You” which as of this writing ay umabot na sa more than P100 million ang kinita sa takilya.
“Sabi na nga ba simpleng selosan lang yan na pinagdadaanan ng kahit sinong magka-relasyon.”
“Mukang nagselos at nainsecure lang kay Pia. Mukang walang concrete reason na threaten lang.”
‘Yan ang say ng dalawang fans.
Meron namang nam-bash and said, “Inutos lang yung pag unfollow all for the sake of drumming up controversy to boost ticket sales of Gerald’s movie. Anything for a buck. Lol!”
Pero sinopla sila ng fans ni Bea who said, “Ang kikitid ng utak ng ibang nagco-comment dito. Pinipilit na promo ang nangyari. Kung hindi ang LQ ng BeaRald e malamang sa lamang mas higit pa sa 100M ang kinita ng movie.
“Ang dami ngang fans ni Bea ang hindi na pinanood ang MPY dahil nagalit sa PiaRald. Siguro naman ngayon manonood na sila.”
“Kung promo lang ang lahat ng iyan eh di parang indirectly, hinimok ni Bea ang fans niya na huwag suportahan ang movie ni Gerald. Promo ba yung ganoon?” sagot ng isang Bea supporter.
“Di man ako nanood, I believe hindi ito flop. Marami talagang nag watch at maraming nagsabi na maganda ang twist kuno. Obviously, nag LQ ang dalawa. The word ‘Flop’ is commonly used by haters like you,” wailed another fan of the actress.
q q q
Na-appreciate ni Dimples Romana ang unexpected gift sa kanya ng isang mommy and her daughter na regular na nanonood ng Bagani.
Dimples posted the gift with this caption: “Such a simple gesture, quite the surprise.? There was a lovely little girl who came up to me today at Alonzo’s Moving up day at school and handed me over this present with the cutest card in it.
“I saw the mommy and asked her name, Mommy Grace shared how she and her daughter would enjoy watching Bagani together and how they enjoyed Babaylan’s lines. Thank you Mommy Grace for this gift and for the gift of appreciation.
“It means everything to an actor like me and as a mom too, us sharing the positivity and joy of connecting through your TV experience. love from me and my Bagani family!”
Nakalagay pa sa card ang unforgettable line ni Dimples sa Bagani na “Mekeni, Mekeni. Tugtug! Doremi.”
Kaaliw lang, ‘di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.