Aktres sukdulan ang kaartehan kaya iniwan ng dyowang musician
TOTOO kaya ang tsika na hiwalay na ang kilalang aktres sa boyfriend nitong musikero. Hindi pa nga nila opisyal na inaamin sa publiko ang kanilang relasyon pero heto’t break na raw.
Kuwento ng aming source, “Knows mo ba? Hiwalay na sina ____ (aktres) at ___ (musikerong boyfriend), hindi raw magkasundo. Napagod na ‘yung guy kasi ang daming demands ng girlfriend niya.”
So, demanding ang aktres? Pero parang hindi naman, dahil kapag nakakausap namin siya at natatanong kung clingy at demanding ba siyang girlfriend ang agad niyang sagot, “Hindi ‘no! Maski itanong mo pa (sa dating mga BF).”
Kaya saan kaya nagmula ang chikang demanding ang aktres? Katwiran ng aming source, “E, ‘yun ang kuwento-kuwento ng lahat ng may alam, marami siyang demands. Parang gusto niya siya parati ang nasusunod, e, hindi naman puwede ‘yung ganu’n.”
Well, sa sinabing gusto niyang siya palagi ang nasusunod ay posible pa dahil itong si aktres ay nasanay na lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha at lahat ng gusto niyang ma-achieve ay nangyayari. Baka hindi sanay ang boyfriend niya sa ganu’n sitwasyon.
Nanghihinayang lang kami dahil ang ganda pa naman ng tandem ng aktres at ng musikerong boyfriend dahil nagkakatulungan sila kapag may proyekto sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.